
Bukod sa pagbisita sa Wowowin studio, nakapasok din si Queen of All Media Kris Aquino sa dressing room ng host nitong si Willie Revillame.
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account, makikitang inilibot siya ni Willie sa dressing room na personal pa daw niyang ipina-renovate.
"I fixed this. Ako nag-fix nito. Noong una, hindi 'to ganito. Noong binigay sa akin 'to inayos namin 'to. Nag-clean kami. Kinuha ko 'yung mga kasmabahay ko sa bahay," paliwanag ni Willie.
"'Pag ako naging asawa at boyfriend mo, hindi pupuwedeng madumi. Ayoko ng may buhok. Gusto ko ayos lahat," biro pa niya.
Bumisita si Kris at kanyang anak na si Bimby sa rehearsal ng afternoon game and variety show na Wowowin bago ang live broadcast ng special birthday episode ni Willie na inihandog niya para sa mga evacuees ng pagputok ng Bulkang Taal.
Kris Aquino shows support to Willie Revillame, his birthday outreach
READ: Kris Aquino, nag-react sa komento ng isang netizen na siya na lang ang maging "forever" ni Willie Revillame