Article Inside Page
Showbiz News
Kitang-kita pa rin ang chemistry ng dating love team at magkasinatahan. Ano ba ang sikreto ni Marvin at napapakilig pa rin niya si Jolina hanggang ngayon?
Noong gabi ng July 8, ipinakita ang isa na namang nakakakilig na scene between Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa ‘Adik Sa ‘Yo.’ Ano na nga ba ang sikreto ng dalawa at hanggang ngayon effective pa rin ang love team nila ni Jolina? Basahin ang confessions ni Marvin. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network.

May isang buwan na ring ipinapalabas ang romantic comedy series na
Adik Sa 'Yo. Sa simula, lumikha ng ingay ang show dahil this marks the reunion of Marvin and Jolina sa isang soap. Pero lalong naintriga ang ma tao at na-adik sa show nang sabihin ng dalawa na kakaiba ang pagsasama nila ngayon sa telebisyon.
"Definitely, this is going to be more mature than
I Luv NY—‘yung mga ita-tackle naming mga scenes at mga issues together," ang kuwento ni Marvin sa iGMA.
Inamin niyang nag-evolve din ang look niya for this series dahil nga sa more mature role na ginagampanan niya.
"'Yung ganitong klaseng look, this is going to be my first time na talagang balbas sarado. But 'yung mga scenes with Jolina, bago 'yung mga kissing scenes, bed scenes na 'yan—bago lahat. 'Yung mga kunyaring buntisan, mga ganyan, bago lahat. That is so much for us then dahil dati in
I Luv NY talagang sobrang sweet-sweet lang."
Kaya naman nang ipinalabas sa TV ang kissing scene at bed scene ng dalawa, maraming kinilig at nagtanong kung bakit ngayon lang nila ito ginawa.
"I guess dapat medyo may laging bago. 'Yun ang gusto ng audience so 'yun 'yung something new to us," ang pagtatapat ng versatile actor.
Pero ipinagtapat din ni Marvin na malaki ang pasasalamat niya dahil he and Jolina remained friends through the years, kaya hindi sila nahirapan sa transition at challenges na hiningi ng
Adik Sa 'Yo sa love team nila.
"Natutuwa nga kami dahil sa sinasabi ng mga press people dito na 'yung magic is still there, 'yung chemistry," dagdag pa ni Marvin. "Natutuwa kami na ganun 'yung nararamdaman nila kasi I guess nakatulong din na through the years na we remained friends. Naging open 'yung communication namin sa isa't-isa. We may not be together everyday noong nagkahiwalay kami pero alam naming magkaibigan kami kaya naging magaan 'yung trabaho lagi.
"Nakatulong din 'yung maturity namin ngayon. Wala na masyadong inhibitions, wala na masyadong arte. Alam namin kung saan kami nakatayo. Alam na namin na mapagkakatiwalaan namin ang isa't-isa. Alam na namin na hindi lang basta katrabaho 'yung turing namin sa isa't-isa kung hindi kaibigan. Kasi, hindi naman kami magtatagal o hindi kami magkakasundo ng more then 10 years, almost 13 years, kung hindi namin talaga gusto yung isat-isa."
Sa huli, inamin niya na natutuwa siya na hanggang ngayon, napapakilig pa rin niya si Jolina.
"Dapat naman. Ang tagal ko nang nagpapacute sa kanya. Masayang-masaya 'yan kapag ginaganyan ko 'yan. Ako nga ang nagpapatawa dyan. Kaya I'm so happy din na kapag nakikita ko siyang naka-smile at tumatawa."
Pag-usapan ang mga nakakakilig na eksena ng
Adik sa ‘Yo sa iGMA Forum.
Humingi ng updates about
Adik Sa ‘Yo mula kay Marvin at Jolina thru their Fanatxt service! Text MARVIN or JOLINA and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)