READ: Garrett Bolden, hindi inasahang mananalo sa PMPC Star Awards for Music
Unexpected daw para kay Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden ang kanyang panalo sa 11th PMPC Star Awards for Music. Ang dating The Clash contestant ang nagwagi bilang New Male Recording Artist of the Year.
IN PHOTOS: Garrett Bolden celebrates PMPC Star Awards for Music win with bloggers
Hindi inasahan ni Garrett na siya ang tatanggap ng award kaya't ngayo'y nag-uumapaw siya sa pasasalamat.
Aniya, “Unang-una, hindi ko po akalain na mano-nominate ako. Nung nalaman ko po na na-nominate ako, sobrang saya. Sabi ko nga po sa team namin, sa mga kasama ko po, whether manalo o hindi, a-attend po talaga ako kasi first exprience ko 'yun sa isang major award-giving body, PMPC. So sabi ko po, gusto kong ma-experience, gusto kong pumunta. Gusto kong manood. Gusto ko makita 'yung ibang artists.
"Kumbaga, in short, gusto ko po ma-inspire lalo. Ayun po, sobrang unexpected pero sobrang saya ko po na nanalo ako ng award sa PMPC. It's my first ever major award.”
LOOK: Garrett Bolden looks back at his struggles as he wins big at 11th PMPC Star Awards for Music
Pag-amin din niya sa idinaos na bloggers' conference, naisip niyang ang kanyang kaibigan at dating fellow Clasher na si Jong Madaliday ang maaaring tatanghaling New Male Recording Artist of the Year.
Paliwanag ni Garret, “Alam naman po natin na sobrang daming fans ni Jong, sobrang daming supporters ni Jong, at maganda rin po talaga 'yung mga song ni Jong. So nung nomination palang alam ko na-nominate din siya. Kumbaga alam ko na siya mahirap makalaban.”
Gayunpaman, binigyang-linaw din niyang masaya silang magkaibigan para sa panalo ng isa't isa. Sa katunayan ay nagkita pa sila kinabukasan ng award's night.
“Nagkita kami. Yun, sobrang saya po. Sa aming dalawa kasi parang kung ano 'yung blessing na makuha nung isa, we're both happy for each other,” kuwento niya.