
Napa-throwback ang '90s kids nang muling magsama-sama sa isang dance concert, na pinamagatang "'90s Dance Concert: Panahon Ko 'To," ang mga sikat na artists at dance groups ng '90s. Ginananap ito noong January 31 sa Vertis Tent sa Quezon City.
Kasama sa mga nag-perform si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at kanyang pinsang si Arthur Solinap na parehong dating miyembro ng grupong Abztract.
Dingdong Dantes, magpe-perform sa dance reunion concert ng Streetboys, UMD, at Manoeuvres
Bukod sa grupo ni Dingdong, nag-perform din sa dance concert ang mga dating miyembro ng X-People, Streetboys, at Manoeuvres.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: