What's Hot

Pakiusap nina Maxene at JC, 'wag awayin si Glaiza!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 14, 2020 2:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Balikan ang saya ng live chat nina Maxene and JC! Anong messages ang tumatak sa dalawa? At may request sila sa fans nila come Glaiza's live chat this August!
Balikan ang saya ng live chat nina Maxene Magalona and JC Tiuseco! Find out kung anong messages ang tumatak kina Maxx at JC—at kung ano ang request nila sa mga chatters once Glaiza de Castro takes the live chat challenge herself this coming August. Text by Jason John S. Lim. Interviews by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. starsAfter the whole live chat experience, Maxene Magalona and JC Tiuseco can agree on one thing: "Masaya. Sobrang saya." Hindi naman baguhan ang dalawa sa live chat talaga. Kung matatandaan, Maxene was the special guest ng kauna-unahang live chat ni Richard Gutierrez. Samantala, si JC Tiuseco naman ay nakapag-chat na last December after winning the first season of Survivor Philippines. Neither of them expected the flood of questions, well wishes, and other messages from their online fans, though. "Hindi ko akalain na ganoon kadami 'yung makikipag-chat sa amin," JC confesses to us happily, after the chat. Even Maxene is very happy, though she does wish na marami-rami silang nasagot sa mga tanong na pinadala. "Hopefully, napasaya namin lahat ng nakipag-chat sa amin," dagdag pa niya. At dahil nga sa dami ng nakipag-chat, Maxene hopes they can do it again para sa mga hindi nila nasagot na messages. "Excited kami sa next chat namin." At dahil technically, ito ang kanilang first experience sa iGMA Live Chat, natutuwa ang dalawa sa mga natanggap nilang messages at questions. "Gusto ko 'yung mga humihingi ng advice," Maxene reveals to us, citing one particular favorite: "'Yung sinabi niya kung ano daw ibibigay kong advice kasi nakita niya 'yung [boyfriend niya] na may kasamang ibang babae." Maxene adds na isa sa mga nagustuhan niya sa live chat ay ang pag-alis nito ng gap between the fans and their celebrity idols: "Nakakahanap sila ng venue para sabihin nila 'yung mga problema nila—they see 'yung mga idols nila [na] parang friend, barkada. That's what live chat does, ginagawa niyang magkaibigan talaga kayo ng fans mo." Siyempre, hindi rin niya maikakaila na gusto niya rin ang positive comments na natanggap nila ni JC. stars "Yung mga sinasabi nila na maganda [ang] show namin, and that they like our love team. Natutuwa naman ako na through live chat, nakikita namin 'yung feedback ng mga fans. Talagang nakaka-boost ng spirits." Dagdag pa niya, "Now na nalaman na namin [ang] gusto nila, siyempre we're gonna work even harder para ibigay sa mga tao 'yung gusto nila." Kung love at sibling advice ang hiningi ng chatters kay Maxene, ibang klaseng advice naman ang hiningi kay JC. "Nag-ask sila sa akin ng advice [para] sa mga torpe," JC shares with a laugh, answering it with: "Dito sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, siguro in time, makikita nila kung paano ang puwede nilang gawin para hindi na sila ma-torpe." Siyempre, hindi rin naiwasan ni Maxene na biruin si JC, teasing him with "Alam mo, maganda 'yun na nabibigyan ng role model 'yung mga torpe, 'di ba?" Pero ang one very memorable moment sa live chat para sa dalawa ay nang magbanta ang fans nila na aawayin si Glaiza de Castro when she drops by iGMA Live Chat! "Sinabi [nila] na aabangan nila 'yung live chat ni Glaiza and aawayin daw nila," Maxene recounts. "Sabi ko talaga, 'Oh my gosh, 'wag niyo naman po siyang awayin!'" starsJust to clear everything, Maxene wants to reassure everyone that she and Glaiza are good friends when the camera stops rolling—and that Glaiza and her character Gladys Andrada are not the same person. Though, she admits, "That's also a good sign na effective sa mga tao [ang acting ni Glaiza]. Naaasar sila dahil naaawa sila doon sa naaapi—naaapektuhan talaga sila. And that's good naman, pero 'wag naman 'yung sobra na aawayin nila si Glaiza. Wag naman sana." In fairness naman, hindi lang si Glaiza ang effective sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. And this, Maxene attributes to the hardworking people behind the show. "Not just the cast, [kundi] 'yung scriptwriters, 'yung directors, 'yung producers—lahat. 'Yung crew, lahat talaga kami pinagtatrabahuhan namin 'yung show; kaya we're very happy na napapasaya namin 'yung mga nanunuod sa amin. "Thank you po sa lahat ng nanunuod ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin," Maxene finishes. Pero JC had one more thing to add, "Sana patuloy niyong panoorin ['yung show], kasi mas marami pang puwedeng mangyari at marami pang mangyayari." 'Wag kalimutan manuod ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin every weekday afternoon sa Dramarama sa Hapon ng GMA, pagkatapos ng Ngayon at Kailanman. And don't forget na you have the option to be always updated sa mga ginagawa nina JC and Maxx! Just text MAXENE or JCT to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And this Friday, July 17, don't miss the long-awaited debut of Jewel Mische and Stef Prescott sa iGMA Live Chat! Ready na ba kayo? Chat na!