GMA Logo
What's Hot

EXCLUSIVE: Ano ang naging challenge ni Princess Velasco sa kanyang cover ng "Ikaw Nga?"

By Aedrianne Acar
Published February 4, 2020 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Princess Velasco, aminadong na-pressure nang gumawa ng sariling version ng 'Mulawin' OST na "Ikaw Nga."

Excited man ang OPM Acoustic Princess na si Princess Velasco na i-cover ang isa sa mga classic hit ng Southborder na 'Ikaw Nga,' aminado siya na naging challenge sa kanya na bigyan ng sariling flavor ang sikat na kanta.

Ang sarap pakinggan ng bagong kanta ni #PrincessVelasco! Pakinggan mo na ang #IkawNgaPrincessVelasco! player.believe.fr/v2/3616403487460

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa GMA Music artist nitong Martes ng hapon, February 4, ikinuwento niya ang una niyang naaalala kapag naririnig ang kanta na ito.

Saad ni Princess, “Nagwo-work pa ako noon nung lumabas 'yung Mulawin, I was handling nga the ringtones before so talagang memorize ko 'yung "Ikaw Nga" from the original version ng Southborder. Tapos naalala ko 'yung music video nila na lumilipad sila 'di ba?.”

Dagadg pa ng OPM singer, iniisip niya kung paano bibigyan ng sarili niyang tatak ang "Ikaw Nga" na ilang beses na ring na-cover ng ibang singers.

Paliwanag niya, “Siyempre ang daming versions na rin talaga niya. Kaya nga nung sinabi sa akin nina Sir Keddy na ito nga 'yung gagawin ko, sobrang excited ako dahil maganda 'yung song at the same time, kabado rin ako.

“Kasi it's a challenge for me I guess, paano mo siya babaliin in such a way na medyo iba siya, but it is still true to the soul of the song.”

“Feeling ko naman nagawa siya nang maayos.”

Princess Velasco and Angel Guardian find best opportunities with GMA Music

LISTEN: Princess Velasco's "Ikaw Nga" is now available for streaming

Wala ding tulak kabigin si Princess Velasco sa bumubuo ng GMA Music na hindi nila ipinaramdam sa kanya ang pressure.

Taos-puso ang pasasalamat niya na ginabayan siya ng mga ito para maibigay ang best niya sa pagre-record niya ng dalawang single under their record label.

Aniya, “Sobrang okay talaga, kasi nga I've known them before pa for my work, so dati pa lang nakakatrabaho ko sila, kaibigan ko na sila.

“And then this time around parang nakakatuwa na I'm working with them as a singer, kahit naman doon sa first single ko pa lang I've felt so blessed and so honored na talagang they got me as an artist.

“And of course sobrang thankful kasi napaka-professional naman talaga and both recording ko parang ang dali lang, so parang hindi ako nahirapan, hindi ako na-pressure.

“Everyone there in the studio made me feel at home, made me feel at ease. And parang they were making sure na lumabas 'yung quality ng voice ko na bagay doon sa kanta, 'yung emosyon. Sobrang lucky ako to have them to guide me.”

Download Princess Velasco's own version of “Ikaw Nga' popularized by Southborder, which is now available in Apple Music, Spotify and YouTube music.

The OPM Acoustic Princess #PrincessVelasco releases her latest single #IkawNga today, a cover of the hit song that's known to many. But listen, this is another version you'll just love to hear everyday! Trust us! 😉 Stream #IkawNgaPrincess now! player.believe.fr/v2/3616403487460

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on