GMA Logo
What's Hot

LOOK: La Diva reunited!

By Jansen Ramos
Published February 9, 2020 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Inawit ng La Diva members na sina Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Jona ang kanilang signature piece na "Angels Brought Me Here" sa isang comedy bar.

Reunited ang La Diva members na sina Aicelle Santos, Mariciris Garcia, at Jonalyn Viray, na ngayo'y kilala na bilang Jona, sa isang show sa comedy bar kagabi, February 8.

Isang Facebook user na nagngangalang Aber Dominguez ang nag-upload ng video ng kanilang peformance kung saan inawit nila ang "Angela Brought Me Here" na original song ng Australian singer na si Guy Sebastian.

As of this writing, mayroon nang mahigit 129,00 views ang naturang post.

Ang La Diva ay nabuo sa defunct Sunday musical variety show na SOP noong 2008.

Tuluyang nabuwag ang grupo noong 2015.

Sina Aicelle, Maricris, at Jona ay pare-parehong produckto ng GMA singing competition na Pinoy Pop Superstar.