What's Hot

KMJS: Dahil sa paghihinagpis, lalaki lumuluha ng dugo?

By Dianara Alegre
Published February 10, 2020 12:24 PM PHT
Updated February 10, 2020 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Pagluha ng dugo ni Joemar, milagro o sakit?

Kung minsan, nasasabi na ang taong dumaraan sa matinding paghihinagpis ay lumuluha ng dugo, pero literal umano itong nangyayari sa isang lalaking residente ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte.

Siya ang 33-anyos na si Joemar Quinco na kapag daw nagdurugo ang puso ay nagdurugo rin ang mata dahil imbes na luha, dugo ang tumutulo sa kanyang mata.

Nitong January 16, dahil problemado raw si Joemar ay nagkayayaan silang magkakaibigan na uminom ng alak pero sa gitna ng tagayan ay bigla raw siyang lumuha ng dugo.

“Ang nangyari kanina, uhaw na uhaw ako, paghawak sa baso parang namahid na 'yung kamay ko. Maya't maya binigyan ako ng asawa ako pamunas.

“Sa loob ng isang buwan halos pito o walo (ang pagdurugo.) Minsan hindi na lang ako nagpapakita kasi ayokong mag-panic pa sila," kuwento ni Joemar.

Inamin naman ng ina ni Joemar na si Thelma Quinco na natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanyang anak.

“Natatakot ako baka mamatay ang aking anak. Sana mapagamot siya at matulungan siya dahil may tatlo pa siyang anak,” pahayag ni Thelma.

Samantala, habang isinasagawa ang interview, nasaksihan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KJMS) team ang pagluha ni Joemar ng dugo, na ayon sa kanya ay mahapdi. Dumudura na rin siya ng may halong dugo.

Nagsimula raw dumugo ang mga mata ni Joemar nang siya ay mag-asawa at lumalala raw ito sa tuwing nagtatalo silang dalawa.

Tunghayan kung milagro ba o sakit ang nangyayari kay Joemar sa espesyal na pagtatampok na ito ng KMJS:

KMJS: Sanggol sa Negros Occidental, kinagat ng aswang?

WATCH: Mamu, may iba pang nakakakilabot na prediksyong ibinahagi sa KMJS