GMA Logo
What's Hot

WATCH: Thea Tolentino, bakit kaya nag-beast mode?

By Racquel Quieta
Published February 11, 2020 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bangkay ni ex-DPWH Usec. Cabral, nais nang makuha at maiuwi ng kaniyang mister
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Nakita mo na ba ang video ni Thea Tolentino kung saan siya ay nag-beast mode? Panoorin at alamin kung bakit DITO:

Kamakailan ay in-upload sa Facebook ang video ni Kapuso actress Thea Tolentino na sumisigaw at tila gigil na gigil sa galit. Nag-react pa nga ang aktor na si Buboy Villar sa video ni Thea:


Para pala ito sa pagsasadula ng tampok na kuwento sa unang episode ng Ilaban Natin 'Yan, kung saan makakasama ni Thea sina Anjo Damiles, Faye Lorenzo, at Jaclyn Jose.

Ang unang kuwento na tampok ay tungkol sa manugang at biyenan na nagkapikunan nang dahil sa utang. Si Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose ang gaganap bilang biyenan na 'di makabayad ng utang, si Anjo naman ang gaganap na anak ni Jaclyn, at si Thea ang asawa ni Anjo.

Layunin ng programang Ilaban Natin 'Yan na isadula, talakayin, at solusyonan ang mga problemang idudulog sa kanila, sa pamamagitan ng kanilang Palaban Express, isang modern jeep na lilibot sa iba't ibang barangay.

Si Vicky Morales naman ang magiging host ng programa at makikilala bilang Ate ng Bayan.

Abangan ang Ilaban Natin 'Yan ngayong Pebrero 22 sa GMA-7.