
Isang happy V-Day indeed para sa fans ng anime series na Voltes V dahil ang direktor nito na si Mark Reyes ay may pa-regalo sa mga naghihintay ng much-awaited live adaptation nito.
Aniya sa Instagram, “Happy V-Day peeps! #voltesvlegacy @gmanetwork.”
Kalakip nito ang isang litrato ng kilalang robot habang nagta-transform ito na mayroon pang salita na “Happy V-Day.”
Sa ngayon, wala pang anunsyo ang Voltes V: Legacy director kung sinu-sino ang magiging cast ng live action adaptation.
Noong January 28, ibinahagi ni Direk Mark na tinutuloy pa nila ang kanilang auditions para sa magiging miyembro ng Voltes V team.
LetsVoltIn: The iconic characters of Voltes V
Ang Voltes V: Legacy ay isang produksyon ng GMA Network Video Graphic Department kasama ang Riot Inc kung saan sila ang gagawa ng visual effects, CGI, motion graphics, color grading, video offline at online editing.
Sundan lang ang GMA Network para sa iba pang updates tungkol sa Voltes V: Legacy.
LOOK: 'Voltes V: Legacy' audition has officially started; netizens vie for roles
Direk Mark Reyes reveals details of upcoming GMA Network show 'Voltes V: Legacy'