Article Inside Page
Showbiz News
Ito na ang pinaka-riot na romantic comedy ng taon! Ang unang pelikulang pagtatambalan nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos, siguradong kakaiba ito.
Palabas na ang 'OMG!' (Oh My Girl!), ang romantic comedy ng taon na siya ring una sa mga anniversary offerings ng Regal Films. Starring Judy Ann Santos and Ogie Alcasid, tiyak naman na kakaiba ang pelikulang ito. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Puno sa kasiyahan at katatawanan ang pelikulang
Oh, My Girl! na unang pagsasama sa big screen nina Judy Ann Santos at and Ogie Alcasid. Directed by their friend Dante Nico Garcia, na siya ring nag-direct ng
Ploning, Direk Dante admitted na ito ay isang story about friendship, mula umpisa hanggang sa matapos ang movie.
"Concept ito ni Regine. 'Yung germ talaga, si Regine, pero nagtulong-tulong kami na mag-develop. When they took me, hindi pa ganon kabuo 'yung story, so madami-dami din akong naidagdag sa naging takbo ng story at sa mga bagay-bagay. Pero, basically kuwento siya ng friendship," ang sabi ni Direk Dante.
Kuwento ng magkaibigang nagkahiwalay nu’ng bata pa sila ang
OMG! Lihim na may pagtingin ang lalaking si Biboy (Ogie) sa kababatang si Darling (Judy Ann), ngunit hindi niya ma-express ang true feelings niya para sa kaibigan hanggang sa magkalayo sila. Pero nang magkitang muli ang dalawa, sikat na si Darling. Kaya naman gumawa ng paraan si Biboy na mapalapit sa minamahal na kababata—sa kakaiba at nakakatawang paraan. Nag-damit babae ito at nagpakilalang si Frida. Nag-apply siya na yaya at alalay ng sikat na kababata para mapalapit muli dito!
Sari-saring kalokohan at katatawanan nga ang ipinamalas nina Juday at Ogie sa movie na kitang-kita sa trailer. Natural na natural ang pagpapatawa nila at maging sila ay hindi inakalang magagawa nila ang nakababaliw at nakakatuwang mga scenes ng movie. Pati nga ang co-stars nilang sina Roderick Paulate at Carmi Martin ay halos sumakit ang tiyan sa katatawa kapag rehearsals pa lang.
Bilib na bilib ang nasabing co-stars sa chemistry ng dalawa bilang underrated comedians! What's more, sinamahan pa ng sing-and-dance number ang
OMG! gaya ng mga movies nu’ng '80s.
Sabi nga ni Juday, “Para naman makita ng viewers ngayon ‘yung '80s movies na uso ang kantahan at sayawan!”
Pero sa likod ng katuwaan, kasiyahan, at katatawanang hatid ng
OMG! ay madadama pa rin sa mga touching scenes nina Juday at Ogie ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan.
Huwag palampasin ang romantic comedy movie ng taon, showing na ngayon sa mga movie theaters nationwide!
Pag-usapan ang pelikulang ito sa iGMA Forum.