What's Hot

WATCH: Unang silip sa programang 'Ilaban Natin 'Yan'

By Racquel Quieta
Published February 14, 2020 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



Modern jeep na tatawaging Palaban Express, mga celebrity guest Kalkalera, si Ed Caluag, atbp. Silipin ang mga dapat mong abangan sa 'Ilaban Natin 'Yan' dito:

Isang linggo bago ang simula ng Ilaban Natin 'Yan, ipinasilip na ang mga kaabang-abang na tagpo sa mga unang episodes nito.

Unang-unang ibinida ang modern jeep na dadayo sa mga barangay. Tatawagin itong Palaban Express. Dito, dudulog ang mga mayroong problema o reklamo na nais ibahagi sa Ate ng Bayan na si Vicky Morales.

Mayroon ding mga celebrity guest Kalkalera na kukuha sa panig ng mga inirereklamo. Ang dalawang unang magiging guest Kalkalera ay sina Gladys Reyes at Cai Cortez.

Ipinasilip na rin ang ilan sa mga magbabahagi ng kanilang suliranin, at isa na rito ang resident paranormal investigator ng Kapuso Mo, Jessica Soho na si Ed Caluag. Siya ay dudulog sa programa para ireklamo ang online bullies.

Excited ka na ba para sa naiibang programa na ito? Panoorin dito ang mga dapat mong abangan sa Ilaban Natin 'Yan, magsisimula na ngayong Pebrero 22 sa GMA-7: