What's Hot

WATCH: Katrina Halili explains relationship with 'cousin' Sheena Halili

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 14, 2020 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili explains relationship with cousin Sheena Halili


Alam n'yo bang hindi talaga magpinsan sina Katrina Halili at Sheena Halili?

Nilinaw ng aktres na si Katrina Halili na hindi talaga sila magpinsan ng kapwa niyang aktres na si Sheena Halili.

TRIVIA: Sheena Halili, Katrina Halili, and other celebs we think are related but aren't

Kuwento ni Katrina, nagsimula ang kanilang lokohan noong una silang nagkasama sa StarStruck Season 1 noong 2003.

"Magka-batchmate kami sa Starstruck tapos, well, sinasabi namin na magpinsan kami kasi ang daming nagtatanong," pag-amin ni Katrina.

"And 'di ba taga Pampanga siya? 'Yung dad ko naman taga Nueva Ecija.

"And baka nga, baka nga magpinsan kami kasi magkalapit lang 'yung Nueva Ecija at Pampanga."

Dagdag niya, "Hindi ko alam e. At saka magkamukha naman kami at best friends naman kami so magpinsan na lang."

Panoorin ang buong panayam kay Katrina sa Kapuso Showbiz News na ito:

Mapapanood si Katrina sa Prima Donnas mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.