Article Inside Page
Showbiz News
Nakilala ng aktres nang personal ang NBA superstar sa isang party sa The Fort, at nagandahan daw itong si Kobe sa kanya. Ano naman ang say ni Michelle?
Nakilala nila Michelle Madrigal ang sikat na NBA basketball player na si Kobe Bryant sa send-off party nito sa isang sikat na bar sa The Fort. Ayon sa mga balita, natipuhan daw ni Kobe ang dalawang 'Zorro' stars; ano naman kaya ang masasabi ni Michelle at Bubble dito? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Sa thanksgiving party ng
Zorro, nilinaw ni Michelle Madrigal ang mga naglalabasang issues tungkol sa kanila ni Kobe Bryant.

"'Yung mga friends ko na may ari ng Embassy, sila ang nagdala kay Kobe doon. Kaya ko siya nakilala," ang paliwanag ng magandang aktres. "He was very nice. Ako, si Carla (Humphreys), at si Bubbles lang ang artista, it was a very private party talaga."
Saan nga ba nagmula ang issuena natipuhan daw siya ng sikat na NBA player?
"Dahil kami lang ang nakitang artistang babae, although merong ibang artista doon," ang sagot sa amin ni Michelle. Pero inamin naman niya na naka-hangout niya si Kobe. In fact, pinuri pa siya ng sikat na basketball player.
"Sabi kasi niya sa akin, 'You're gorgeous!' Thank you naman ako. Syempre ang haba ng hair ko (laughs)! Pero sa loob ko, nambobola ang siya."
Idinagdag pa ni Michelle na kasama ni siya si Bubbles Paraiso when she was talking to Kobe.
"Nandoon din 'yung kuya ko (Paolo Paraiso). It is like hanging out with one of your guy friends," ang kuwento naman ni Bubbles.
Pero agree ang dalawang
Zorro stars na sobrang bait ni Kobe Bryant.
"Mabait siya, sobra. Tinanong pa nga niya ako , 'So how's
Zorro?' Gusto ko ngang lokohin, 'May Pinoy TV ka ba sa bahay mo?'" ang hirit pa ni Michelle.
Sa huli, nilinaw niya na what she had with the NBA star was just pure fun, at happy and proud siya na pinahanga niya ang isang Kobe Bryant.
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng
Zorro sa GMA Telebabad!
Pag-usapan si Michelle Madrigal sa iGMA Forum.