GMA Logo Dennis Trillo to star in new GMA series Legal Wives
What's on TV

EXCLUSIVE: Dennis Trillo is the lead star in upcoming GMA drama

By Bianca Geli
Published February 20, 2020 3:40 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo to star in new GMA series Legal Wives


Balik teleserye na si Dennis Trillo ngayong 2020 at makakasama niya sa proyektong ito sina Cherie Gil, Alice Dixson, Megan Young at Bianca Umali.

Matapos mag-lead star sa action-drama na Cain at Abel (2018-2019) si Dennis Trillo, handa na magbalik teleserye ang Kapuso leading man sa isang upcoming GMA drama.

Sa story conference ng drama na may working title na Legal Wives, naikuwento ni Dennis ang mga dapat abangan sa kanya.

Aniya, “Na-e-excite ako kasi hindi ito 'yung pangkaraniwan na show na napapanood n'yo sa Philippine television and pakiramdam ko ito 'yung first time na makakakita sila ng iba't ibang klase ng dynamics ng isang modern Muslim family.”

WATCH: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado recount their love story at 'CoLove Live' concert

Dagdag niya, “Para sa akin interesting 'yun kasi parang wala pang na-shu-showcase tungkol sa mga marital relations legally ng isang modern Muslim family kaya dito sa show na ito makikita nilang lahat 'yun kung ano 'yung nangyayari, kung paano ba nag-fa-function as a unit 'yung iba't ibang legal na wives.

"Excited na akong simulan na 'yun at mapanood 'yun ng ating mga Kapuso.”

Alden Richards, may rebelasyon tungkol kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Nakatakdang makasama ni Dennis sa proyektong ito sina Cherie Gil, Alice Dixson, Megan Young, at Bianca Umali.

Alex Gonzaga, nag-reklamo kina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo