Showbiz News

EXCLUSIVE: 'CoLove' concert nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, magkakaroon ng second run?

By Bianca Geli

Matapos ang successful na “CoLove Live” concert nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, taos-puso ang pasasalamat ni Dennis sa mga sumuporta sa kanilang first-ever concert collaboration.

Aniya, “Natapos na 'yung concert, naging successful siya, sold out 'yung concert tapos nagawa namin 'yung matagal naming pinangarap and fulfilling 'yung experience. Nag-e-enjoy ka doon sa trabaho na ginagawa mo [and] at the same time, nakaka-inspire ka ng maraming tao, nagbibigay [ng] hope sa buhay at pag-ibig.”

Kuwento ni Dennis, nitong nakaraang November 2019 lamang nila pinaghandaan nang todo ang kanilang February 2020 concert. “Nag-plano kami nung November pa lang, lahat ng planning at rehearsals naganap last year tapos tuluy-tuloy na.”

Magkakaroon kaya ng part two ang kanilang “CoLove Live” concert? Sagot ni Dennis, “We'll see kapag medyo maluwag na ulit 'yung schedule kapag may time na ulit mag-rehearsal at mag-practice.”

LOOK: Inside Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's new cat cafe business

Ngayong naging positive ang feedback ng kanilang concert collaboration, ready na ba sila na magbalik tambalan onscreen? “Sa ngayon, wala pa rin. May mga kaniya-kaniya kaming projects pero sana in the future,” saad ni Dennis.

Kasalukuyang nasa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) si Jennylyn bilang Dr. Maxine Kang at nakatakdang magbalik teleserye naman si Dennis ngayong taon.

These photos of Jennylyn Mercado will remind you of Song Hye Kyo