Article Inside Page
Showbiz News
Inamin ni Chynna na bilang Lisa, isa siyang karakter na manggugulo sa mga nakakatuwang eksena sa prime time romantic-comedy na ito. Anong hiwaga ang dala niya?
May isang karakter na manggugulo sa mga nakakatuwang mga eksena ng mga makukulay na tauhan sa 'Adik Sa' Yo.' At inamin naman ni Chynna Ortaleza na may hiwaga din ang pagpasok ni Lisa sa buhay nila Karen at Joan. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.
Itong Biyernes, nasaksihan natin ang biglaang pagdating ni Chynna Ortaleza sa isang madamdaming tagpo ni Karen (Jennica Garcia) sa
Adik Sa'Yo.

"'Yung character ko kasi dito, si Lisa, makikita ninyo na may slight identity crisis siya. The purpose of Lisa will be revealed later on in the story," ang kuwento niya sa kanyang biglang pagpasok sa eksena.
"Basta 'yung character ko has a secret that nobody knows about in this story. Even the main characters like Karen and Joan (Jolina Magdangal) are not aware about her identity," dagdag pa ni Chynna sa pagkatao ni Lisa. "Even their parents don't know who she is. But she is somebody na magbabago ng buhay nila 'pag na-reveal kung sino siya."
At alam naman natin na si Emilene (Chariz Solomon) ay ang BFF ni Karen, ngunit, mukhang makakahanap siya ng karibal kay Lisa.
"May negative vibes talaga si Emilene sa akin, kasi all of a sudden sumulpot ako out of nowhere and naging close kami ni Karen, eh siyempre best friend niya 'yun for life, 'di ba?" lahad ni Chynna.
Para sa kanya, this is a pleasant departure from her previous role in
Paano Ba Ang Mangarap at
Dear Friend kung saan heavy drama ang karamihan ng kanyang mga eksena.
"So far it's been a nice experience, kasi light lang 'yung trabaho," pahayag niya. "Although hindi naman ako ine-expect na mag-comedy kasi hindi ko naman siya forte, pero the fact na I get to work with comedians na magagaling—masaya!"
Chynna confesses naman na malaki ang appreciation niya sa mga multi-faceted roles na nabibigay sa kanya. Pruweba ito ng kanyang versatilty bilang aktres.
"Ako naman, naa-appreciate ko ang drama, comedy, kahit horror na genre. Para sa akin, mas marami kang matututnan. Well-rounded ka," paliwanag niya. "[This is] a good break from drama, because, siyempre, you get really tired after doing a series that is heavy, and this is work and it doesn't feel like work. It feels like parang naglalaro lang."
At bilang patunay ng kanyang pagiging bihasa sa anumang larangan ng industriya, she is currently shooting an independently-produced horror flick: "May ginagawa akong indie na movie,
Ukay-Hukay. Iba naman ako dun, ano naman ako dun ghost. Suspense-horror. Okey din at biglaan nalaglag sa harapan ko 'yung iba't-ibang characters. So 'yung goal ko na mantutunan lahat, nag-uunfold naman."
Of course , patuloy din ang kanyang pagpapakitang-gilas sa dance floor with her regular appearances in
SOP kung saan "may pinapauso kaming sayaw na Booty Dance, maganda naman 'yung feedback ng mga tao dun, kasi fun dance siya, pero nakakapagod na bongga. Linalabas namin 'yung boxer shorts namin, pa-cute!"
Pag-usapan ang pagdating ni Lisa sa Adik Sa'Yo. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Chynna via Fanatxt! Text CHYNNA [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS CHYNNA and send to 4627. Telco charges apply. (This service is only available in the Philippines.)