GMA Logo megan young bianca umali dennis trillo and alice dixson
What's on TV

Abangan ang pagmamahal na susubukin ng kultura at tradisyon sa 'Legal Wives'

By Bianca Geli
Published February 24, 2020 2:24 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

megan young bianca umali dennis trillo and alice dixson


Isang lalaki ang magmamahal ng tatlong babae sa 'Legal Wives.'

Tunghayan ang istorya ng pag-ibig ng isang lalaki sa kaniyang tatlong asawa at ang halaga ng relihiyon, tradisyon, at pamilya.

Si Ismael (Dennis Trillo) ay isang Muslim na nagmula sa lahi ng mga Maranao. Ang kaniyang amang si Hamid (Al Tantay) at inang si Zaina (Cherie Gil) ay mula sa lahi ng mga Datu at Sultan.

Magiging isang muezzin (servant of the mosque) si Ismael at magkakaroon ng tatlong magkakaibang asawa--sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Megan Young), at Farrah (Bianca Umali).

Ang kagustuhan ni Ismael na magkaroon ng mapayapang buhay may-asawa ay susubukin ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon at magbubunga ng isang rido o clan war.

Kayanin kaya ni Ismael ang mga pagsubok sa kanyang pananampalataya at tradisyon? Ano ang kaya niyang isakripisyo alang-alang sa kanyang pamilya at pag-ibig? Abangan 'yan sa Legal Wives, malapit na, sa GMA.