
Nitong Sabado, Pebrero 22, nagsimula na ang bagong programa ni Vicky Morales na 'Ilaban Natin 'Yan', at pinusuan ito ng maraming netizens.
May mga nagandahan sa pagsasadula ng tampok na istorya, at mayroon namang nagustuhan ang pagdinig sa dalawang panig at sa kalmadong pag-uusap.
May mga nagkomento rin na magandang plataporma ang programang 'Ilaban Natin 'Yan' para magkaayos ang mga pamilyang may pinagdaraanang problema.
At, marami rin ang naantig sa mga tagpo sa unang episode ng 'Ilaban Natin 'Yan'.
Kung nagustuhan mo ang pilot episode na tungkol sa awayan ng biyenan at manugang na nag-ugat sa pera, dapat abangan mo rin abangan ang susunod na episode tungkol sa magkaibigang nagkagalit nang dahil sa sampayan.
Ang mga aktor na magsasadula nito ay sina Francine Prieto, Almira Muhlach, at Kelvin Miranda.
Tutukan ang 'Ilaban Natin 'Yan' tuwing Sabado, alas-kuwatro ng hapong sa GMA-7.