
Simula March 2, mas maaga nang matutunghayan ang maaksiyon at nakakakilig na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) pagkatapos ng daily news program na 24 Oras.
Susundan naman ito ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday na mapapanood na sa bagong timeslot na 8:35 pm.
Patuloy naman ang madamdaming istorya ng pamilya at pag-ibig sa Love of My Life, 9:20 pm pa rin.
Huwag ding palampasin ang finale week ng K-drama na Angel's Last Mission na nananatili sa timeslot na 10:05 pm.
Patuloy na bumisita sa GMANetwork.com para sa mga announcement at iba pang impormasyon tungkol sa mga paboritong ninyong Kapuso shows.