GMA Logo Calvin Abueva none month suspension
What's Hot

Asawa ni Calvin Abueva, naglabas ng hinaing sa nine-month suspension ng basketball star sa PBA

By Aedrianne Acar
Published February 29, 2020 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Calvin Abueva none month suspension


Madamdamin ang IG post ni Sam Abueva na naglabas ng saloobin sa nine-month suspension na pinataw ng pamunuan ng PBA sa kanyang asawang si Calvin.

Bumuhos ang emosyon ng asawa ni Calvin Abueva na si Sam sa indefinite suspension na pinataw ng Philippine Basketball Association (PBA) sa cager noong nakaraang taon pa.

Base sa ulat ng GMA News Online noong July 2019, sinuspinde ni PBA Commissioner Willie Marcial si Calvin para sa dalawang insidente habang siya ay naglalaro.

Una dito ay nang ma-eject siya sa laban ng koponan niya na Phoenix Fuel Masters kontra sa TNT Katropa, matapos ang kanyang “clothesline tackle” sa TNT import na si Terrence Jones.

Nagkaroon din siya ng word war sa aktres na si Maika Rivera na girlfriend ng Blackwater star na si Ray Parks.

Sa Instagram post ni Sam Abueva, sinabi nito na gusto nilang maliwanagan kung bakit umabot ng siyam na buwan ang suspension ng kanyang asawa.

Dagdag pa niya, pati ang pamilya ng star forward sa Pampanga ay apektado na rin.

“PARA SA LAHAT! Sana makarating sayo kung sino man ikaw?kayo? gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi parin nakakalaro ang asawa ko hindi pa ba sapat ang 9 na buwan para sa parusa na binigay niyo hindi pa ba sapat na lahat na apektuhan dahil sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati 5 anak namin naapektuhan sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa pampanga nag sasakripisyo para dito?"

post PARA SA LAHAT! Sana makarating sayo kung sino man ikaw?kayo? gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi parin nakakalaro ang asawa ko hindi pa ba sapat ang 9 na buwan para sa parusa na binigay niyo hindi pa ba sapat na lahat na apektuhan dahil sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati 5 anak namin naapektuhan sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa pampanga nag sasakripisyo para dito? di pa ba sapat lahat ng yan para anong kadahilanan pala gusto ko lang sana maliwanagan sa dami ng nakita ko na pangyayare sa bawat player na may ginawa na hindi sang ayon sainyo na mas malala pa sa nagawa ng asawa ko eh patuloy parin nakakapag laro nagpapasalamat din ako sainyo dahil sa pangyayare na to madami talagang natutunan ang asawa ko madami siya mga bagay na nabago lalo na sa pagsasama namin bilang mag asawa kaya gusto ko lang malaman ano pa yan sinasabi niyo na pinapagawa niyo sknya na kayo lang may alam bakit wala naman kaming alam sa sinasabi niyong pinapagawa niyo kaya hindi pa matapos tapos ito. Pero sana maintindihan nyo may 5 kami anak na binubuhay.. hindi naman pwede naka hang lang kami hindi namin alam saan to papunta..sana ibukas niyo nalang sa publiko sa lahat ng mga fans sa lahat ng mga taong sumusuporta sainyo gumagastos nag iipon ng pera para lang bumili at mapanuod ang mga iniidolo nila karapatan nila malaman at maging parte ng laban na to mas maganda gawin publiko ang mga bagay na sinasabi niyo na pinapagawa niyo mas magandang malaman ng lahat ang mga hakbanh or paglilitis na sinasabi niyo kung bakit ganito katagal at kung bakit pati ang invitation ng national team sa asawa ko ay pinipigilan niyo hindi ba karapatan niya yun na lumaro para sa bansa niya at itayo ang bandera ng pilipinas? Karapatan ng lahat malaman ang basehan nito sa totoo tayo! SALAMAT PO 🙏🏻 #LETcalvinPLAY #UNLEASHtheBEAST #socialjustice #humanrights #pilipinas #katarungankarapatankaalaman @spinph @sports5.ph @abscbnsports @gmanetwork @pbaliveontv5 @pbaconnect

A post shared by Salome Alejandra J. Abueva (@abueva_sam) on

Masidhi ang pagtatanggol ni Sam kay Calvin na noong July 2019 lamang ay ibinulgar sa social media ang ginagawa nitong pananakit sa kanya.

Sa kanyang IG post, ibinahagi din niya na malaki na ang ipinagbago ng kanyang asawa at marami rin daw itong natutunan.

Wika ni Sam, “'Di pa ba sapat lahat ng yan para anong kadahilanan pala gusto ko lang sana maliwanagan sa dami ng nakita ko na pangyayare sa bawat player na may ginawa na hindi sang ayon sainyo na mas malala pa sa nagawa ng asawa ko eh patuloy parin nakakapag laro nagpapasalamat din ako sainyo dahil sa pangyayare na to madami talagang natutunan ang asawa ko madami siya mga bagay na nabago lalo na sa pagsasama namin bilang mag asawa kaya gusto ko lang malaman ano pa yan sinasabi niyo na pinapagawa niyo sknya na kayo lang may alam bakit wala naman kaming alam sa sinasabi niyong pinapagawa niyo kaya hindi pa matapos tapos ito.”

Nag-alala din ang asawa ni Calvin na maaaring maapektuhan ang kanilang limang anak na kailangan nilang buhayin.

Ibinulgar din niya na may humaharang nang maimbitahan ang Phoenix Fuel Master cager na makapaglaro sa national team.

Aniya, “Pero sana maintindihan nyo may 5 kami anak na binubuhay.. hindi naman pwede naka hang lang kami hindi namin alam saan to papunta.

“Sana ibukas niyo nalang sa publiko sa lahat ng mga fans sa lahat ng mga taong sumusuporta sainyo gumagastos nag iipon ng pera para lang bumili at mapanuod ang mga iniidolo nila karapatan nila malaman at maging parte ng laban na to mas maganda gawin publiko ang mga bagay na sinasabi niyo na pinapagawa niyo mas magandang malaman ng lahat ang mga hakbang or paglilitis na sinasabi niyo kung bakit ganito katagal,

“At kung bakit pati ang invitation ng national team sa asawa ko ay pinipigilan niyo hindi ba karapatan niya yun na lumaro para sa bansa niya at itayo ang bandera ng pilipinas? Karapatan ng lahat malaman ang basehan nito sa totoo tayo! SALAMAT PO”

LOOK: Calvin Abueva gives jersey to Vice Ganda after PBA match