Article Inside Page
Showbiz News
Sa tuluy-tuloy na pag-ani ng tagumpay, Marian Rivera attributes the show’s success to exceptional team effort.
Now on its third week, patuloy na pumapayagpag ang “Darna” sa prime time. At sa tuluy-tuloy na pag-ani ng tagumpay, Marian Rivera attributes the show’s success to exceptional team effort. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

"Thank you at happy kami. Siyempre sa kahit anong project din ay mahirap mag-expect ng sobra-sobra. Kaya kung anuman ‘yung dumating, at kung binigyan man kami ng ganung ratings, ay talagang thankful kami," ang masayang bati ni Marian Rivera nang bisitahin siya ng iGMA kamakailan sa set ng
Darna sa Bulacan.
Sa muling paglipad ng Pinay superhero, kasabay nito ang sigla sa GMA Telebabad block as the other prime time shows consistently post impressive numbers, as well.
Of course, natuwa naman ang ating prime time queen sa balitang ‘yan. "Tulad nga ng sinabi nila, may mga times na bumaba, pero hindi naman sobrang baba, pero ngayon na lang ulit nakakuha ng ganitong ratings ang prime time natin so happy pa rin 'di ba? Ang importante nagre-rate pa rin siya," ani ni Marian.
Ngunit, para sa tinaguriang Queen of Primetime, hindi lang naman dahil sa kanya pinapanood ng mga viewers ang
Darna.
"Ayaw ko naman din sabihin na dahil din sa akin nag-rate ang
Darna. Kung ganoon ang interprestayon nila na hinihatak ko ang
Darna, thank you. Pero ako nakikita ko kasi ang mga tao dito [sa set], lalo na ang mga cast, na talaga namang naghihirap." paliwanang niya. "Still mahirap pa rin yung [role] sa akin. Pero, hindi lang ako ‘yung nahihirapan, kasi halos lahat naman ng cast nagtulong-tulong para mapaganda ito."
Narda at Darna
At bilang patunay sa challenges na hinarap niya bilang si Narda at
Darna, kwento ni Marian na malaki ang pagkakaiba talaga ng kanyang pinaghuhugutan ng dalawang roles niya na ito.
"Kapag Narda ako dito ibang-iba itsura ko at character ko. [At] pag nag-
Darna [naman] at nakikipag-fight scene ako, sobrang nag-ta-transform talaga 'yung character ko," pahayag niya.
Ibinanggit din namin ang talagang inabangan na eksena kung saan tinaggap na ni Narda ang responsibilidad ng pagiging superhero at ang naging kakaibang approach ng production team dito. Malaki ang ibinigay na credit ni Marian kay Direk Dominic Zapata at sa creative team behind the scenes.
"’Yung ikinaganda din kasi si Direk Dom, madami na siyang nagawang [telefantasya] na ganito. Alam na niya this time kung ano ‘yung mas maganda na approach para gawing kaaya-aya sa mga manonood lalo na sa mga bata," tugon ng aktres.
"Thankful din ako kay Direk kasi hindi niya pinakawalan yung mga eksena at ginawa niyang mas maganda pa lalo. Nag-iisip talaga siya ng bangong anggulo, bagong approach, bagong atake dun sa mga kalaban [ko]," dagdag pa niya
Ano pa nga ba ang masasabi ni Marian sa inaani niyang tagumpay kasama ang mga masugid na Kapuso viewers?
"Ang importante eh napatunayan namin na minahal uli ng mga tao si
Darna, 'yun 'yung mahalaga doon--na pinanood at sinusubaybayan din nila[g lahat ito]," sagot niya.
Pag-usapan si Marian Rivera sa mas pinagandang iGMA Forums! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Marian via Fanatxt! Text MARIAN [Your Message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.