Article Inside Page
Showbiz News
Gusto mo bang maging 'StarStruck' ultimate winner? Then get some tips from the people who know best—ang mga 'StarStruck' graduates!
Are you one of the many who are aspiring to become the next 'StarStruck' ultimate winner? Then get some tips from the people who know best--the people who had gone through the 'StarStruck' process as well! Compiled by Jason John S. Lim. Interviews by the iGMA Web Team. Photos by Mitch S. Mauricio.
Jennylyn Mercado: "Advise ko lang sa kanila, lakas ng loob. Kailangan ‘yun. Confidence, and pakikisama. Be nice to everyone. And dasal! Kasi kailangan mo rin mag-dasal lalo na kapag kinakabahan ka. Hindi mo na alam kung ano 'yung puwede mong gawin, kung ano ang puwede mangyari. So dasal."
Jackie Rice: "Kumain muna sila bago sila pumila! Tapos, siyempre, ipakita nila kung ano ang mayroon sila. Huwag silang mahihiya, kasi once in a lifetime rin 'yung pagsali, so ibigay na nila 'yung best nila para mapili sila."
Kris Bernal: "Ang isang secret diyan, believe in yourself na kaya mong gawin. Ako, I don't dance, I don't sing. Pero sa
StarStruck, naniniwala akong kaya kong sumayaw, kaya kong kumanta. ‘Yun nga, lakasan lang ng loob. Tapangan mo lang. At saka wag ka papaapekto sa mga taong nasa paligid. Kumbaga, kung ano 'yung dream mo, i-pursue mo lang. Gawin mo ang lahat. At saka siyempre, prayers—‘wag mawawala yun."
Sheena Halili: "Sana lang siguraduhin niyo na gusto niyo talagang maging artista. Dahil pag nandito na kayo, hindi ito laru-laro. Kasi, alam mo ‘yun, makikita ng tao kung sino talaga 'yung mag-stay. At saka, ano e, maraming aasa sa inyong tao. Siyempre pag naging fan niyo ang isang tao, tapos hindi niyo naman minamahal 'yung trabaho niyo, parang unfair naman ‘yun sa kanila, 'di ba? Sana lang, willing kayong matuto, willing kayong mapahiya, willing kayong masabihan ng mga hindi magagandang words, at ready din kayo sa bagong mundo."
Mark Herras: "Simple lang naman. Ipakita niyo na willing kayo mag-
StarStruck, willing kayo mag-audition. Siyempre talent, 'di ba? Kung sa tingin niyo acting ang talent niyo, ipakita niyo sa kanila; kung dancing, ipakita niyo; kung singing, ipakita niyo. And magpakatotoo lang kayo, just be yourself. Siyempre batch five na 'to, so medyo alam na nila ang mga paikot-ikot. So dapat, kung humarap sila sa kung saan man sila mago-audition, just be yourself lang."
Nadine Samonte: "Wag na kayong mag-
StarStruck kasi mahihirapan lang [kayo], mag-aral na lang kayo. (Laughs.) Masasabi ko lang, just be yourself. Kung anong kaya mong gawin, yun 'yung gawin mo."
Chariz Solomon: "Wala naman ‘yan kung manalo ka o matalo. 'yung totoong laban niyan, ika nga nila, after na ng
StarStruck. Ibigay niyo lang 'yung 100% niyo, pero ‘wag na kayong mag-comedy. (Laughs.) Magpa-tweetums na kayong lahat, o 'di kaya mag-sexy kayo, walang problema sa akin ‘yun. ‘Yun lang ang advice ko. Tsaka lagi kayong mag-pray and stay humble. Pero ‘wag kayong maging overconfident, pero confident pa rin. Trust in yourself. Wag mayabang, wag magpapaapi, and be friendly. ‘Yun 'yung pinaka importante sa lahat, dapat marunong kang makisama—mabait ka sa lahat. Kahit inaaway ka nila, mabait ka pa rin sa kanila. Ganoon ‘yun. Kasi pag binato ka ng bato, batuhin mo ng truck. Ganoon 'yun."
Vaness del Moral: "Sa mga gustong mag-audition sa
StarStruck V, ano lang. Be yourself. Hindi 'yung ano, 'yung nagpapanggap kayong ibang tao. Kasi pangit 'yung ganoon e. Siyempre kapag nagpanggap kayo na ibang tao kayo, off or on cam, ganoon 'yung magiging lifestyle niyo. Hindi magandang tignan. Basta kung totoong tao kayo, tapos 'yung ugali niyo talagang nilalabas niyo, mas magugustuhan kayo ng tao."
Jade Lopez: "Be yourself, magpakatotoo ka. ‘Yun naman palagi. ‘Wag mong isipin na competition yun, mag-enjoy ka lang sa ginagawa mo. Kasi nung time na yun, ako, parang naglalaro lang ako. Wag kang mag-expect kasi masasaktan ka. Kaya, ako, noon? Kaming lahat actually sa Batch 1, parang naglalaro lang kami noon. Until nag-Final Judgement, doon lang naman na-realize na 'Gosh, heto na.' Nasa showbiz pala kami. Enjoy lang."
Jana Roxas: "Kung talagang kaya niyo, dapat ibigay [niyo] 'yung best—kasi ganoon 'yung ginawa namin. Tsaka ipakita [niyo] 'yung pinaka-talent [niyo]."
Vivo Ouano: "Just be yourself. ‘Yun lang."
Kung hindi pa sapat ang mga tips na ito for you, why not log on to the
iGMA Forums para makipag-usap sa iba pang mga
StarStruck hopefuls? Not yet a member? Register here!
And if you think you have what it takes to be the next
StarStruck ultimate winner, register now!
Be in the loop with what's going on with your
StarStruck idols through Fanatxt!
Just text NAME(space)ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)