
Nakabilang si Prima Donnas star Julius Miguel sa Kapuso stars na nag-renew ng kani-kaniyang kontrata sa GMA Artist Center.
Nakasama niya sina GMA Artist Assistant Vice President Simoun Ferrer at Senior Talent Manager Joy Marcelo sa pagpirma ng kanyang kontrata kahapon, March 10.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Julius sa Kapuso Network sa walang sawang pagtangkilik sa kanya at ng kanyang talento simula noong 2015.
Saad niya kay 24 Oras reporter Aubrey Carampel, “Nag-start po ako when I was 13 and 18 [years old] na po ako ngayon.
“So, I've been with GMA for five years na. Matagal na rin and I'm very thankful.”
Prima Donnas
Maliban sa kanyang pag-renew ng contract sa GMA Network, pinagkakaabalahan ni Julius Miguel ang taping ng hit GMA Afternoon series na Prima Donnas kung saan gumaganap siya bilang si Uno.
Kaya naman may nabubuo na raw na magbabarkada sa set lalo na sa mga young actors tulad niya.
Ani Julius, “Halos six or seven months na rin po kaming magkakasama so it's inevitable.
“And may times na rin na nagkakasama kami before sa shows so I think it wasn't really difficult to build chemistry around us and the characters in the show.”
Malaki rin ang pasasalamat niya sa bumubuo ng Prima Donnas lalo na ang direktor nito na si Gina Alajar.
“Tiwalang-tiwala po talaga ako sa ginagawa ng crew and staff.
“Mula kina Direk Gina, kay Mr. Aloy Adlawan, at sa buong writers and staff kasi they really do their job really well and I really applaud them.”
Dahil sa success ng show, marami-rami na rin daw ang nakakapansin sa kanya sa labas ng set. Aniya, marami raw ang tumatawag sa kanyang “siopao.”
“Di ko po alam [kung kanino nanggaling 'yun].
“Pero, ang pinaka main story po noon is meron akong isang scene with Althea [Ablan]. Na ka-eksena ko and then parang may sinabi siya na 'Uy, siopao!' And siguro may chubby cheeks ako that's why.”
Sa katunayan, kinaaliwan ng fans ang tambalang Althea Ablan at Julius Miguel kaya naman binansagan ang surprise love team na ito na “#TeamSiopao.”
Kaya naman ang tanong ng press kay Julius, na-o-offend ba siya na hinahalintulad siya sa siopao ngayong sumisikat na siya?
Sagot ni Julius, “Hindi po.
“I think that's a compliment. Kasi the more they say it the more that I know that I'm doing a great job. Kung baga may influence ako sa buhay nila kahit papaano.”
Mapapanood si Julius Miguel sa Prima Donnas, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.
Mga Kapuso, mapapanood niyo ang mga favorite teleseryes niyo sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.
WATCH: Asaran nina 'Prima Donnas' star Althea Ablan at Julius Miguel, umaabot nga ba off-cam?
EXCLUSIVE: Julius Miguel comments on relationship with 'Prima Donnas' co-star Althea Ablan