What's Hot

EXCLUSIVE: Lovi Poe, ka-eksena agad si Benjamin Alves sa pilot taping ng 'Owe My Love'

By Cherry Sun
Published March 13, 2020 11:25 AM PHT
Updated March 13, 2020 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Unang araw pa lang ng taping ng 'Owe My Love' ay magka-eksena na agad ang nagbabalik-tambalang sina Lovi Poe at Benjamin Alves. May napansin kayang pagbabago ang Kapuso actress sa kanyang leading man sa kanilang reunion project?

Unang araw palang ng taping ng Owe My Love at magka-eksena na agad ang nagbabalik-tambalang sina Lovi Poe at Benjamin Alves. May napansin kayang pagbabago ang Kapuso actress sa kanyang leading man sa kanilang reunion project?

Tampok sina Lovi at Benjamin sa upcoming Kapuso rom-com series na Owe My Love at aminado silang mas hasa sila sa paggawa ng drama kaysa comedy. Dagdag pressure pa sa parehong Kapuso stars na beterano sa komedya ang kanilang mga makaka-eksena katulad nina Aiai delas Alas at Leo Martinez.

Ani Lovi sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “I think in every project naman talaga, may challenge, may kakaibang challenge na mai-o-offer kasi first iba 'yung role and then second is kung sino-sino pa 'yung mga kasama mo. So siyempre you have to feel it out kung anong klaseng energy ang ibibigay so that parehas kami ng energy.

“Especially for comedy, it's not something that you plan eh. Parang I think it's important to be natural as much as possible lalo na pag kasama mo 'yung mga makaka-eksena mo dito na siguradong mag-a-adlib at mag-a-adlib so kailangan ready na ready ka.”

Top comedians man ang kanilang makakasama sa Owe My Love, palagay ang loob ni Lovi dahil muli niyang katrabaho si Benjamin.

Sambit niya, “It's great kasi we've always been good friends since I don't know years… years na kami magkasama. And then five years ago, gumawa kami ng teleserye together which is Beautiful Strangers and super heavy drama siya. And now comedy naman 'yung gagawin namin this time and 'yung first take ko for Owe My Love was with him. So ang sarap ulit magkabatuhan kami ng lines at magkasama sa eksena kasi it's been a while.”

RELATED CONTENT:

WATCH: Lovi Poe, bakit walang restrictions sa kanyang acting roles?

Lovi Poe, Benjamin Alves figure ways to combat coronavirus (COVID-19)

Matagal mang panahon ang lumipas simula nang makatrabaho nila ang isa't isa, madali at masaya pa rin daw makasama sa set ang kanyang nagbabalik na leading man.

Saad ni Lovi, “Actually walang nagbago kay Ben. 'Yun nga 'yung maganda sa friendship namin is that even if kunwari busy kami, nagkakamustahan pa rin kami. Kahit hindi kami magkatrabaho and all, 'yung parang hindi nawala 'yung communication naming dalawa. So it's nice na pag magkasama kami, it's like nothing has changed.”

Pansin din niya na mas lumalabas ang tunay na personalidad ng aktor ngayong isang rom-com ang ginagawa nila.

“He's always been a natural eh but then this time iba 'yung nakikita ko since comedy [ito]. So parang I see more of him. Kasi in real life talaga ano siya, very relaxed, chill na tao. So parang mas nakikita ko siya as Migs Alcancia,” patuloy niya.