
Muling matutunghayan ang gender-sensitive GMA series na My Husband's Lover (2013) sa telebisyon, bilang pansamantalang kapalit ng current Kapuso primetime show na Love of My Life.
Isa ang Love of My Life sa mga programa ng GMA na pansamantalang inihinto ang taping dahil sa community quarantine na idineklara sa Metro Manila, sanhi ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Mapapanood ang My Husband's Lover sa ganap na 9:20 p.m. simula Lunes, March 23, pagkatapos ng Kambal, Karibal, na pansamantalang kapalit ng Anak ni Biday vs. Anak ni Waray.
Bukod sa My Husband's Lover at Kambal, Karibal ibinalik din sa telebisyon ang telefantasyang Encantadia na kapalit naman ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
READ: 'Encantadia,' mapapanood muli sa GMA Telebabad
Ang My Husband's Lover ay tungkol sa kuwento ng complicated marriage nina Lally (Carla Abellana) at Vincent (Tom Rodriguez) at ng gay lover ng huli na si Eric (Dennis Trillo).
Susundan ang My Husband's Lover ng The Last Empress (Lunes hanggang Huwebes) at Bubble Gang (Biyernes) sa ganap na 10:05 p.m.