
Muling mapapanood ang iconic telefantasya na Encantadia 2016 simula Huwebes ng gabi, March 19, sa ganap na 7:45 p.m. Ito muna ang pansamantalang kapalit ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
'Encantadia,' mapapanood muli sa GMA Telebabad
Matatandaan na itinigil muna ng Kapuso Network ang taping ng DOTS Ph at ng iba pang programa nito dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
GMA-7 to re-air 'Encantadia,' 'My Husband's Lover,' and other award-winning shows
Sa Instagram post ni Mark Reyes V na nag-direk ng primetime show apat na taon na nakararaan, sinabi niyang hindi siya makapaniwala na ipo-promote niyang muli ang telefantasya.
"I never thought that I will be promoting this again in this lifetime... "
Pinusuan naman ng Encantadia 2016 cast members na sina Mikee Quintos, Sanya Lopez at Kate Valdez ang IG post ng Kapuso director.