Showbiz News

Dr. Jerry Cua, ipinaliwanag kung ano'ng ibig sabihin ng isang tao na 'asymptomatic' sa COVID-19

By Aedrianne Acar

Lagi natin naririnig ang medical term na "asymptomatic" kapag napag-uusapan ang sakit na coronavirus disease 2019 or COVID-19 na idineklara ng World Health Organization na isang pandemic.

Sa latest vlog ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' actor Benedict Cua, nagbahagi ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19 katuwang ang kanyang younger brother na si Jerry Cua na isang licensed doctor.

Isa sa mga pinag-usapan nila dito ay kung ano ibig sabihin kung ang isang tao ay "asymptomatic."


Ani Dr. Jerry, "You are infected pero dinadala mulang siya, you are just a carrier."

Ayon pa sa kanya, napag-alaman pa sa mga ginawang test sa South Korea na marami doon na edad 20-29 years old ang asymptomatic.

"Actually sa South Korea 'di ba may mass testing. Tinest nila lahat ng tao and they actually found out na 'yung mga 20-29 years-old, majority ng infected cases ay nasa 20-29 years-old, pero hindi sila nagpe-present ng symptoms. So mas nakakatakot 'yun."


Tambalan nina Kate Valdez at Benedict Cua sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,' suportado ng netizens


Ipinaliwanag din ni Dr. Cua kung paano nakaka-recover ang isang tao kapag tinamaan ng COVID-19.


Paliwanag niya, "Like any viral illness, 'yung katawan natin kayang labanun 'yun. Hindi siya tulad ng bacterial infection na kailangan natin ng mga antibiotics. Pinaka common natin is common flu, common colds, those are usually viral.


"Parang siyang common flu, mga common flu na umiikot sa atin, one fourth of that is actually a strain of coronavirus but these are mild strains.


"This mutation ito 'yung tina-try natin i-control, it's a new strain (coronavirus disease 2019 or COVID-19).

Pinagusapan din nina Benedict at Jerry sa vlog kung sinu-sino ang dapat ang tinetest lamang for COVID-19.


Binigyan-diin ni Dr. Jerry na ang tinetest lamang muna ay 'yung mga tinatawag na "severe cases."


Bakit naman kaya?


Wika niya, "Hindi lahat tine-test actually. Ang mga tinetest lang natin is 'yung mga severe case.


"Severe cases meaning unang punta pa lang nila sa ospital kailangan na nilang i-admit. Hirap na hirap sila huminga, ang taas ng lagnat hindi ma-control, 'yung person under investigation."


"Sila 'yung may sakit, nagpe-present ng symptoms number one with history of travel. Mga bansa na may confirmed cases, exposure sa known cases."


Kung may katanungan pa kayo tungkol sa COVID-19 tulad na lang kung gaano kahalaga ang pagse-self quarantine at social distancing, watch the latest vlog of Benedict Cua featuring his brother Dr. Jerry below.


MORE ON CORONAVIRUS DISEASE OR COVID-19:

LOOK: Mayor Vico Sotto tweets and memes na kumakalat online


Sheena Halili, ipinagdadasal ang frontliners na naglilingkod sa kabila ng COVID-19 crisis


Camille Co uses her social media influence to spread awareness on COVID-19