What's Hot

Mark Herras willing to become dad of Jennylyn Mercado's child

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 21, 2020 9:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of debris after Long March rocket launch from China
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Mark Herras willing to become dad of Jennylyn Mercado's child
Hindi raw inaalis ni Mark Herras ang posibilidad na ligawan niyang muli ang dating nobya na si Jennylyn Mercado. Bukod pa rito, handa raw ang aktor na maging ama ng baby ng aktres. starsKabilang ang entertainment reporter na si Aubrey Carampel sa mga sumaksi sa press launch ng bagong soap nina Mark at Jennylyn na Ikaw Sana, na may temang Christmas dahil sa pagsisimula ng "-ber" month. Makakasama ng dating magkasintahan sa naturang project bilang ka-love triangle si Pauleen Luna, na minsan na ring naugnay kay Mark. At dahil sa muling pagtatambal nina Mark at Jen sa prime time ng GMA 7, patuloy na umaasa ang kanilang mga fans na muli rin silang magkakabalikan. Sa panayam ng press, inamin naman ni Mark hindi imposible na muli niyang ligawan si Jennylyn. At kahit raw ang papel ng pagiging ama sa baby ng aktres na si AJ ay handang akuin ng young actor. "Puwede, oo matagal ko ng gusto na magkaroon ng anak... hindi porke may baby na 'yung tao hindi mo na puwedeng mahalin o magkaroon ng relationship. Wala namang kaso kung may anak na ‘yung tao," pahayag ni Mark sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Ninong si Mark sa baby ni Jen at talaga naman daw close ang aktor sa bata. "Dadalawin ko nga dapat nung isang araw ‘yung bata, kaso tinamaan ako ng sakit kaya din na ako tumuloy," paliwanag ni Mark. Sinabi naman ni Jen na laging bukas ang kanyang pintuan para kay Mark. Wala rin daw problema kung kilalanin ng kanyang anak bilang ama ang dating nobyong si Mark.
"Si AJ dinadalaw n'ya (Mark) po talaga. Ninong po kasi siya, lagi ko naman pong sinasabi na laging may special place siya sa aking buhay," paliwanag ni Jennylyn. -- Fidel Jimenez, GMANews.TV