
Kasama ng update tungkol sa ginawa niyang pagtulong sa Puerto Galera sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis, nanawagan din si Kris Aquino sa mga katulad niyang may kaya at nakakaangat sa buhay na tumulong sa mga kababayan ngayon.
Naipit sa Puerto Galera si Kris Aquino at kanyang mga anak na sina Josh at Bimby mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dahil sa pagkalat ng COVID-19.
Bilang pagpapasalamat sa islang kumupkupkop ngayon sa kanyang pamilya, minarapat ng tinaguriang Queen of All Media na magpaabot din ng donasyon dito bilang tulong.
Ayon sa text message na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account, kausap mismo ni Kris ang mayor ng Puerto Galera at pinangukan niya ito ng mga sako ng bigas bilang dagdag sa ginagawang feeding program ng alkalde.
Sa pareho niyang Instagram post, hinikayat din ni Kris ang mga taong nakakaluwag sa buhay na magpaabot ng tulong sa mga nagigipit ngayon.
Aniya, “This is the time na yung mas na-bless financially, sana gumawa ng paraan na tulungan ang mga mas nangangailangan sa abot ng makakaya... magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang #covid_19... hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho.”
Kris Aquino, nagbigay ng mini tour sa yacht ni Willie Revillame
Kris Aquino, thankful sa pakikipag-bonding ni Willie Revillame sa kanyang anak na si Josh