
Itinuturing si Ruby Rodriguez, kanyang mister na si Mark Aquino, at kanilang anak na si AJ bilang persons under investigation (PUI) sa COVID-19. Kasunod ito ng pagpanaw ng kapatid ng Eat Bulaga host na si Dr. Sally Gatchalian dahil sa sakit.
Ayon kay Ruby, tapos na sana ang quarantine nila pero in-extend pa ito ng isa pang linggo dahil may close contact sila sa doktora.
Namayapa si Gatchalian noong March 26, sa edad na 67. Siya ang ika-siyam na doktor na namatay sa COVID-19.
Panoorin ang ulat sa 24 Oras: