What's Hot

Dingdong Dantes nais magbigay inspirasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic

By Dianara Alegre
Published March 30, 2020 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Dingdong Dantes at 'Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation' cast may live workouts sa gitna ng enhanced community quarantine.

Sa kabila ng enhanced community quarantine na ipinatutupad sa Luzon, tuloy pa rin ang fitness goals ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) (DOTS Ph) Alpha Team.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Ipinakita ng DOTS Ph Alpha Team ang pagiging solid ng kanilang brotherhood kamakailan sa pamamagitan ng pag-achieve sa kanilang common goal, ang magpalakas ng katawan paara makalaban sa coronavitus disease (COVID-19).

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Kamakailan ay nagkaroon sina Primetime King Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Lucho Ayala, at Jon Lucas ng sabayang workout sa kani-kanilang mga bahay.

“Nag-set kami ng workout video kung saan magla-live ang DOTS cast. So saktung-sakto, tatlong PRG members na si Neil Sese, Carlo Gonzales at si Ian Ignacio.

Magkasama kami ni Dingdong, ni Lucho Ayala, ni Jon Lucas at ako,” lahad ni Rocco.

Ayon naman kay Dingdong, naisipan ng buong DOTS Ph cast na gumawa ng Facebook at Instagram pages para umano makapagbigay ng pag-asa at makapagbahagi ng positivity.

“Hopefully, makapag-inspire ng tao sa kabila ng mga nangyayari,” sabi naman ni Big Boss Dingdong.

This page is created by the cast of Descendants of the Sun, the Philippine Adaptation. It intends to drive hope, positivity, happiness and inspiration during this time of Enhanced Community Quarantine in the country. Good vibes only. 😉 @dotsphofficial

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Ang kanilang workout ay umikot sa ilang cardio at endurance workout tulad ng cherry pickers, burpees at squat hops.

“Sarado po 'yung mga gyms natin at this moment, pero hindi po ibig sabihin kailangan natin ihinto ang pag-e-exercise natin at pagwo-workout natin dahil marami naman pong mga home-based workout na puwede nating gawin,” ibinahagi ni Lucho.

Bukod dito, may inspirational message rin na ibinabahagi ang DOTS Ph cast sa tuwing nagla-live sila.

Ayon kay Dingdong, “Everyday, bawat isang miyembro ng cast ay magbibigay ng kanyang reflection at realization tungkol sa mga bagay na na-realize niya dahil sa enhanced community quarantine na ito at mga bagay na pinagpapasalamatan namin.”

Panoorin ang buong 24 Oras report: