GMA Logo GMA Kapuso Foundation donates to border frontliners
What's Hot

GMA Kapuso Foundation, nagbahagi ng thermal scanners at gloves para sa border frontliners

By Marah Ruiz
Published March 31, 2020 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation donates to border frontliners


Naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng thermal scanners at gloves para sa border frontliners.

Sa pangunguna ni EVP-COO Rikki Escudero-Catibog, nagbigay ng mga karagdagang gamit ang GMA Kapuso Foundation para sa mga sundalong nagtatrabaho bilang border frontliners.

Naghandog ng thermal scanners at rubber gloves ang GMA Kapuso Foundation sa 2nd Support Service Batallion ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army.

Thermal scanners, rubber gloves at vitamins and supplements naman ang naipaabot nito sa Joint Taks Force-NCR at sa Engineering Brigade sa Marawi.

Patuloy itong lumilikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap-buhay dahil sa enhanced community quarantine.

GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng cash donations para sa protective equipment laban sa COVID-19

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.