What's Hot

KMJS: Dugo ng cobra, lunas daw sa iba't ibang sakit?

By Dianara Alegre
Published March 31, 2020 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS dugo ng cobra


KMJS: Dugo ng cobra, nakapagpapagaling nga ba ng sakit?

Nagkukumahog ngayon ang scientists at mga eksperto sa buong mundo para makahanap ng lunas sa nakamamatay na 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Pero ang manggagamot na si Danny o Danny Cobra na matatagpuan sa isang Barangay Concepcion, Hilongos, Leyte, dugo ng cobra at saging ang iniaalok na umano'y mabisang lunas sa sakit.

Binansagan siyang Cobra Master dahil hindi gaya ng ibang mga dayuhang nagpapaamo ng ahas, hindi niya kailangan ng ano mang instrumento para mapasunod ang ahas.

Kayang-kaya niya itong pasunurin na 'tila ay dulot ng kanyang pakikipag-usap o pagbulong dito. Hindi lang 'yan dahil normal lang para sa kanya ang magpakagat sa cobra. Kaya rin niyang isubo ang ulo nito.

Ayon kay Danny, kaya niya nagagawang paamuin ang cobra ay dahil may kakayahan siyang makipag-usap dito. Maituturing siyang snake whisperer.

“Kinakusap ko ang ahas, “Ikaw, ahas ka! Hindi ka makakakagat dahil anak ka ng demonyo,” aniya.

Ang kakaibang kakayahan ni Danny ay nagsimula raw sa isang panaginip.

“Sabi sa akin ng Panginoon, “Paggising mo bukas, tumingin ka sa araw, tingnan mo ang araw ng apat na oras. Manggamot ka na. magpakagat ka sa ahas sa iyong labi at saka dila,” aniya pa.

Simula raw noon ay nakapanggagamot na siya at nakapagpapagaling ng mga sakit gaya ng kagat ng ahas at aso.

Pero paano?

Tutukan ang espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa kakaibang abilidad ng tinaguriang Cobra Master:

KMJS: Paano umiwas sa kuto ngayong tag-init?

KMJS: Zion of God, exempted sa COVID-19?

KMJS: Lambanog, pwedeng alternatibo sa alcohol?