Article Inside Page
Showbiz News
Sa anniversary ng "Startalk," hindi lang mga main hosts ang nagse-celebrate. Kasama rin sina Chariz Solomon at Jan Manual ng Showbiz Authority.
Sa anniversary month ng 'Startalk', hindi lang mga main hosts ang nagse-celebrate! Siyempre, masaya rin ang mga segment hosts ng Showbiz Authority na sina Chariz Solomon at Jan Manual! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.

Sa fourteen years ng
Startalk, no one can say that the show shies away from controversy. Ultimo nga ang mga segment hosts ng show ay nagkaroon na rin ng exposure sa spotlight!
"Nung nasunog si Jan Manual! 'Yun 'yung hindi ko makalimutan e." Sa usapang memorable intriga, ito ang sagot sa amin ng aspiring comedian na si Jan. Sino ba naman ang hindi makakaalala when Jan caught fire during an event kung saan iniligtas siya ni Richard Gomez at isinugod sa ospital?
And while Chariz Solomon has her fair share of news bits, ang hinding-hindi makakalimutan ng comedienne ay ang blind item sa Da Who about a girlaloo na todo ang bati ng Happy Birthday sa isang network executive. Isang girlaloo na tinago nila sa pangalang: Chariz Solomon!
"Sabihin ko na po, ako 'yun," Chariz admits before laughing out lood. "Parang ayaw naman nilang i-Da Who!"
Pero kamusta naman ang kanilang experience so far with
Startalk? Ang sagot ni Jan, "Masaya kasi hindi pa rin nila kami pinapalitan. At saka baby pa rin nila kami. And siyempre masaya ako sa
Startalk, kasi kung wala ang
Startalk, wala akong show."
Dalawang taon na rin ang tinagal nina Jan at Chariz sa
Startalk, and the two are hoping na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang participation sa show even with a new batch of
StarStruck hopefuls coming in.
Anniversary Update
Hindi man natuloy ang anniversary special ng
Startalk last Saturday, wala nang atrasan ang X-plosive chikahan ngayong sabado. Kaya naman tinanong namin ang dalawang segment hosts kung ano ang dapat naming abangan.
Chariz says, "madami ‘yan for sure. Kasi sa ordinary day nga nakaka-shock 'yung mga showbiz balita? Paano pa pag anniversary? Bongga 'yan!"
Mas palaban naman ang sagot ni Jan: "Mas maraming chika, at saka mas marami kaming intriga—mas may kuwenta na chika kesa naman sa iba diyan."
Kaya abangan this Saturday ang
Seven Xclusive, Xplosive and Xtreme na mga istorya sa mundo ng showbiz as highlight to their anniversary show this Saturday, October 24.
Pero ang comic tandem nina Chariz and Jan, together with Fayatollah, Pepita and Steve, mapapanood niyo every Saturday afternoon sa
Startalk mapa-anniversary man o hindi.
Pag-usapan ang ika-14 na anibersaryo ng Startalk sa iGMAForums! Not yet a member? Register here!