GMA Logo
What's Hot

Iwas-bagot challenges, nagsulputan online

By Dianara Alegre
Published April 1, 2020 12:01 PM PHT
Updated April 1, 2020 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Iba't ibang challenges para iwas-bagot, nauso ngayong enhanced community quarantine.

Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine (EQC), upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang 2019 coronavirus disease (COVID-19). ay marami ang nakakulong sa kani-kanilang bahay.

Did you wash your hands properly? Okay... SOCIAL DISTANCING. please. thanks po.

Isang post na ibinahagi ni Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) noong

Ipinagbabawal ng mga awtoridad ang paglabas at pagtitipun-tipon ng publiko para hindi na lalong dumami ang carriers ng sakit.

Upang kahit papaano ay mabawasan ang pagkabagot ay samu't saring challenges ang nagsulputan online.

Nagsimula ito sa COVID-19 dance challenge ng Department of Health (DOH) na nasundan na ng iba't ibang pakulo gaya ng “Until Tomorrow” kung saan kailangang mag-post ng mga nakakahiyang throwback pictures online. Hindi ito puwedeng burahin sa loob ng 24 oras.

May sumabak din sa “COVIDeoke Challenge,” “COVID-19 push up challenge” kung saan kailangan maka-19 push-ups in 19 seconds.

Mayroon ding “WHATSINDAHOUSE Challenge” na nauso nang husto sa Netherlands. Dito, iguguhit o ido-drawing mo ang mga bagay na puwedeng makita sa loob ng bahay. At ang nagpauso niyan ay ang Pinay artist na si JV Totanes Wiersema.

“It's for everyone who are staying home to distract themselves about the stress from outside and appreciate what you have inside the house. You can sketch anything you want,” sabi ni JV patungkol sa challenge.

Pero kahit ano pa mang challenge 'yan, ang pinaka-importante, stay at home.

Stay safe, mga Kapuso!