GMA Logo marian rivera cooks menudo for frontliners
What's Hot

Marian Rivera, nagluto ng menudo para sa COVID-19 frontliners

By Jansen Ramos
Published April 2, 2020 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera cooks menudo for frontliners


Handog nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa COVID-19 frontliners ang recipe ng menudo na ipinasa sa aktres ng kanyang Lola Ingkang.

Nagluto si Marian Rivera ng specialty ng kanyang Lola Francisca na menudo na ipinamahagi niya at ni Dingdong Dantes sa mga COVID-19 frontliner sa Quezon City General Hospital.

Sa Instagram, ipinost ng Kapuso couple ang video ng prepasyon sa pagluluto ng aktres ng "Menudo ni Nanay Inkang."

Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight's meal for them is our family's specialty-- Menudo-- a recipe that's been passed on by my nanay ☺️ Big thanks to Ms. Joanne who told me about the Waltermart App and to Tough Mama for sending extra stoves. @toughmamaappliances @waltermartsupermarket Stay safe everyone! 🙏

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


Sabi ng Descendants of the Sun lead actor, "Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang--aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi."

Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang-- aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito. Salamat @evan.aranas sa mahusay na pag-edit ng mga veejow ko at salamat kay @viennueva sa pahabol na saging na kumumpleto sa matinding kombo. 🙏🏼 @marianrivera (swipe to view dameyking) @andrewsfundph @Yespinoy

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on


Nagpasalamat din si Dingdong sa health workers na nagbubuwis ng kanilang buhay para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Saad niya, "Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat.

"Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito."