
Sa darating na Lenten Special ng GMA Network na Jesus: His Life, gaganap si Bubble Gang comedian at actor na si Paolo Contis bilang ang Roman official na si Poncio Pilato.
Ayon sa aktor, magkabaligtad sila ng karakter ni Poncio Pilato sa totoong buhay kaya medyo nahirapan siyang hanapin ang karakter na ito.
Aniya, “Actually it's not easy [to play 'yung character].
“But the actor who portrayed it, very strong talaga 'yung character niya. So, binagay ko lang sa hitsura niya and sa character niya. And of course, the character itself binagay ko. Kaya malamang ako 'yung kinuha siguro parang Poncio Pilato 'yung dating,” pabirong sagot ni Paolo sa GMANetwork.com.
Base sa kanyang pagganap, halatang sanay na sanay na si Paolo sa pag-dub kahit na ito ang kauna-unahan niyang voice acting project sa network.
Kuwento ni Paolo, malaking factor ang pagda-dub niya sa dati niyang mga pelikula kaya sanay na siya sa pag-correct sa kanyang sarili.
“Well, first na [mag-dub ng] ganito.
“Kasi siyempre when I was younger, 'pag movies talagang dina-dub mo, 'di ba? And most of the time, 'yung mga younger years kailangan super sync. 'Yung old school ba na dapat saktong-sakto [sa pagbukas at pagsara ng bibig]. 'Di naman uso noon 'yung adjust-adjust.
“So, nagse-self correct na ako 'pag alam kong 'di sync [sa pag-arte]. Pero, it's an experience din kasi pinapakinggan ko 'yung english voice nila para hindi magmukhang binabasa 'yung sinasabi ko.”
Nang tanungin kung saan siya mas nahirapan, sa pag-dub o sa pag-arte, ani Paolo, parehong form of art ang dalawang fields.
“Well, pareho siyang art, e.
“Pag arte kasi, nasa sa iyo 'yun kung paano mo i-a-arte 'yung boses mo.
“Siyempre ito kailangan mong bigyan ng boses 'yung acting niya. Kung hindi, magmumukhang flat, I guess, 'yun yung challenge.
“Pero medyo mahirap ito kasi first time ko at saka mahirap sa character ni Pontius Pilate kasi ano siya, very strong, tapos dire-diretso siya magsalita kaya dapat 'di magmukhang monotonous 'yung dating [ng delivery ng lines].”
Subaybayan si Paolo Contis sa Jesus: His Life bilang si Poncio Pilato ngayong darating na Biyernes Santo, 7 pm, sa GMA.
8-part drama 'Jesus: His Life,' hatid ng GMA-7 ngayong Holy Week
EXCLUSIVE: Sanya Lopez, naiyak habang nagda-dub ng 'Jesus: His Life'