GMA Logo Ruby Rodriguez Anjo Yllana in Ilaban Natin Yan
What's Hot

Ilaban Natin 'Yan: Mister na adik sa sex, nananakit kapag tinatanggihan ni misis? Si misis, may ibang karelasyon daw?

By Racquel Quieta
Published April 2, 2020 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ruby Rodriguez Anjo Yllana in Ilaban Natin Yan


Misis na 'di umano'y binubugbog ni mister kapag tumatanggi sa sex, totoo kayang may ibang karelasyon pala? Alamin ang ibang detalye DITO:

Mahilig bang mangalabit ang iyong mister? Normal naman sa mag-asawa ang magtalik o maglabing-labing. Ayon sa nakararami, isa nga raw ito sa nagpapatibay ng pagsasama ng mag-asawa.

Ruby Rodriguez at Anjo Yllana sa Hayok episode ng Ilaban Natin 'Yan
Ruby Rodriguez at Anjo Yllana sa Hayok episode ng Ilaban Natin 'Yan

Pero paano kung si misis ay tinatanggihan si mister at nauuwi ito sa pananakit? May obligasyon ba si misis na pagbigyan palagi si mister? At may pananagutan ba sa batas ang mister na nambubugbog kapag tinatanggihan ito sa sex?

Ito ang mga katanungan na sasagutin sa episode ng Ilaban Natin 'Yan na pinamagatang "Hayok."

Ruby and Anjo bilang Karen at Christopher, kasama si Leandro Baldemor
Ruby and Anjo bilang Karen at Christopher, kasama si Leandro Baldemor


Matapos ang manalo sa ratings ang episode last Saturday kung saan pinagharap sina Ed Calauag at ang kanyang bashers, isa na namang kaabang-abang na episode ang handog ng Ilaban Natin 'Yan ngayong Sabado.


Sa "Hayok" episode ngayong Sabado, isasadula ng Kapuso stars at Eat Bulaga Dabarkads na sina Ruby Rodriguez at Anjo Yllana ang istorya ng mag-asawang sina Karen at Christopher.

Dudulog si Karen sa Ate ng Bayan na si Vicky Morales
Dudulog si Karen sa Ate ng Bayan na si Vicky Morales

Ang misis na si Karen ay dudulog sa Ate ng Bayan na si Vicky Morales dahil 'di umano'y sinasaktan siya ng kanyang mister na si Christopher tuwing tumatanggi raw siyang makipagtalik dito.

Tutulungan din si Karen ng guest Kalkalera na si Gladys Reyes
Tutulungan din si Karen ng guest Kalkalera na si Gladys Reyes

At ayon pa kay Karen, kaya raw siya tumatanggi ay dahil masyado raw adik sa sex ang kanyang mister.

Si Christoper, ang mister na adik daw sa pakikipagtalik
Si Christoper, ang mister na adik daw sa pakikipagtalik

Si Christopher naman ay may isyu rin na ibinabato kay Karen. Meron daw kasing ibang karelasyon ang kanyang misis. Totoo kaya ito? At ito ba ang tunay na dahilan kung bakit tumatanggi si Karen sa kanya?

Maghararapan ang mag-asawang Karen at Christopher sa Ilaban Natin 'Yan
Maghararapan ang mag-asawang Karen at Christopher sa Ilaban Natin 'Yan

Alamin ang mga kasagutan sa paghaharap ng mag-asawang sina Karen at Christopher ngayong Sabado sa Ilaban Natin 'Yan, alas-kuwatro ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.