GMA Logo Condo residents nagpasalamat sa frontliners sa katabing ospital
What's Hot

WATCH: Mga residente ng isang condo building, nagbigay pugay sa frontliners na nagtatrabaho sa katabing ospital

By Aedrianne Acar
Published April 4, 2020 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Condo residents nagpasalamat sa frontliners sa katabing ospital


This story will bring tears to your eyes. Maraming salamat sa lahat ng ating frontliners na patuloy na nilalabanan ang COVID-19.

Nakakaantig ang naging report ng veteran GMA News reporter na si Emil Sumangil sa 24 Oras kagabi kung saan ibinahagi nito ang ginawang noise barrage ng mga nakatira sa La Verti Residences condominium sa Pasay City para ipakita ang kanilang suporta sa mga nagta-trabaho sa katabi nilang ospital na Adventist Medical Center Manila.

Makikita sa report ni Emil ang mainit na palakpakan at hiyawan ng mga residente mula sa kanilang mga balkonahe para sa mga doktor, nurse, staff at janitor ng ospital.

Hindi pa napigilan ng ilan sa Adventist Medical Center na maiyak sa ginawang pagpupugay na ito at ramdam daw nila na na-a-appreciate ang trabaho na ginagawa nila ngayong may COVID-19 pandemic.

Kahit ang mga netizen ay pinusuan ang ginawa na ito ng mga nakatira sa La Verti Residences.


Panoorin ang buong ulat na ito sa 24 Oras sa video na ito:



As of Friday, April 3, nakapagtala na ang Department of Health (DOH) 3,018 COVID-19 cases sa bansa.


MORE UPDATES ON THE CORONAVIRUS:


IN PHOTOS: Celebrities and personalities who tested positive for coronavirus

Grammy winning singer P!NK tests positive, then negative for COVID-19