GMA Logo Ashley Ortega
What's Hot

Ashley Ortega, namigay ng grocery items sa mga nasa kalsada

By Aedrianne Acar
Published April 15, 2020 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Abala si Kapuso actress Ashley Ortega sa pagtulong sa kanyang kapwa na apektado ngayon ng COVID-19 pandemic.

Determinado ang GMA Artist Center talent na si Ashley Ortega na tumulong sa mga pinakaapektado sa nararanasan nating COVID-19 pandemic.

Sa Instagram Story ng Kapuso actress, ibinahagi niyang nag-ikot-ikot sila para mamigay ng food packs at grocery items sa mga nadaanan nila sa kalsada.

Marami ngayon ang nagugutom dahil nawalan sila ng kabuhayan dala ng pinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang lugar sa bansa.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Ashley sa donors na hindi nagdalawang isip na tumulong.

Ashley Ortega hands out ready-to-eat meals to homeless people

Naging transparent din si Ash sa mga nalikom niyang pondo at kung saan niya ito ginamit.

Huling napanood si Ashley Ortega sa primetime series na Sahaya noong 2019.