What's Hot

Ethel Booba no involvement with fake Twitter account; says it's "too political"

By Cara Emmeline Garcia
Published April 15, 2020 11:52 AM PHT
Updated April 15, 2020 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



“Naiinis ako kasi pati 'yung anak ko nadadamay,” maiyak-iyak na sinabi ni Ethel Booba sa kanyang latest vlog.

Napaiyak si Ethel Booba sa kanyang latest vlog habang ine-expose ang Twitter account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Ethel Booba claims Twitter account with 1.6M followers is fake

Sa 30-minute vlog na ito, ikinuwento ni Ethel na hands-off siya sa social media platform simula nang gawin ang Twitter handle na “@IamEthylGabison.”

Aniya na noong 2012, may nagkontact sa kaniya na nagsasabing big fan siya ng comedienne habang mayroon siyang totoong Twitter account na “@IamRealGabisonEthyl.”

“Sabi niya sa akin, 'Hi Ms. Ethel, fan mo ko' pero 'yung pangalan Ethel Booba.

“So, sino 'to? Bakit parang ginagaya niya ako?”

Pagkatapos nito ay hindi na niya ito pinansin hanggang sa nakalimutan na niya ang sarili niyang Twitter password.

Fast forward sa 2016, finollow ng “fan” ang kanyang mga kapatid sa Twitter kaya naman nagtaka ang mga ito kung meron bang bagong account si Ethel lalo na ang kanyang kapatid na si Jerry.

Kuwento niya, “Na-curious ako. Tiningnan ko at napansin ko na parang kinokopya niya yung mga sinusulat ko sa Facebook at nilalagay niya sa Twitter.

“Kuhang-kuha niya talaga at natuwa naman ako sa mga tweets niya kasi 'di naman nakaka-harm. Mga quotes na nakakatawa lang.”

Dahil sa mga napakagandang tweets nito, umabot na raw sa puntong nag-reach out na ang Viva para gumawa ng libro na naglalaman ng kanyang mga famous tweets.

“Ito na nga nagkaroon na ako ng book dahil marami ang sumuporta sa akin. At nagpapasalamat ako dahil natuwa kayo at sa Viva na nagtiwala sa akin. So, kinailangan ko 'yung angkinin dahil ginagaya rin naman niya ako and nagfi-feed naman ako sa kanya ng mga nakakatawa.”

Paliwanag ni Ethel, idinadaan niya sa kanyang kapatid ang mga ideas niya para i-post ng admin sa Twitter.

Noong 2019, napansin raw ng comedienne na masyado nang naging political ang tweets kaya naman minabuti niyang i-private message ang admin na i-tone down ang mga ito.

Biro pa niya, “Sabihan mo nga yan na 'wag masyadong mamulitika at wala naman akong kahilig-hilig diyan. E 'di sana kumandidato na ako...ako na mismo. Ang dami kong followers e 'di nanalo na ako.”

Lalo pa raw siyang naiinis ngayong mga panahon ng krisis dahil mas lalong naging political ang mga tweets nito.

“Lalo akong nabuwisit dahil lalo na sa mga sitwasyong ngayon, may pandemic tayo na nangyayari sa buong mundo. We are in a very desperate situation right now.

“Naiiyak ako dahil hindi natin alam kung makakalabas ba tayo.

“HIndi kasi ano, bakit parang pinagmumukha mo akong maramot? Hindi ako maramot na tao.”

Sambit ng kanyang live-in partner na si Jessie Salazar sa background, nadadamay silang buong pamilya lalo na ang kanilang anak.

Kaya naman dagdag ni Ethel, “Ako 'yung unang naging promotor na magpa-fund raising. May anak lang ako ngayon kaya hindi ko maasikaso. Nagtu-tweet ka pa ng kung anu-ano kapapanganak ko lang. Naiinis ako kasi pati 'yung anak natin nadadamay.

“Nagbuntis ako at wala na nga akong pakielam diyan. Ang tagal ko nang walang koneksyon sa Twitter at ka-contact niya.”

Panoorin:

What prompted Ethel Booba to disown “IamEthylGabison” Twitter account?

Ethel Booba, trends on Twitter for political joke