What's Hot

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa Baseco

By Marah Ruiz
Published April 16, 2020 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation donates to Baseco


Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa Baseco Compound, Manila.

Nasa 3,200 pamilya sa Baseco Compound sa Maynila na nawalan ng hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine ang nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Kabilang sa mga inihatid ng tulong ang frozen chicken packs at fully loaded Kapuso family grocery packs.

Katuwang ng GMA Kapsuo Foundation ang Joint Task Force-NCR ng Armed Forces of the Philippines at Baseco Police Community Precint ng Manila Police District sa pamamahagi ng relief goods.

Lubos naman ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa Ajinomoto Philippines Corp., Jollibee Group, Fres Mint Candy, Beng-Beng Chocolate, CDO Karne Norte, Symply G Marketing. at Calcheese Wafer para sa kanilang mga donasyon.

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.