What's Hot

Kris Bernal, may iwas-inip tips habang naka-quarantine

By Dianara Alegre
Published April 20, 2020 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal continues to be productive during quarantine


Payo ni Kris Bernal, panatilihing maging productive habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Dahil sa enhanced community quarantine, hindi lang nabigyan ng mga celebrity ang kanilang mga pamilya ng sapat na oras dahil nagawa rin nila ang kanilang hobbies

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on

Ilan sa mga Kapuso artists na pinagtutuunan ngayon ng pansin ang kanilang mga hilig ay ang aktres na si Kris Bernal.

Pagwo-workout, pagluluto, at pag-aaral ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kris.

Bukod dito, nag-enrol din siya sa ilang online course para sa kanyang business venture.

'Yung gusto ko matutunan, 'yung puwede kong strategies, since I didn't take naman any business management course. Wala akong tineyk na gano'n. Lahat 'to experience lang.

“Ang dami mong puwedeng makuhang free online course sa internet, as in ang dami talaga. Kailangan mo lang hanapin kung ano 'yung fit sa 'yo,” sabi ni Kris.

Nagbahagi rin ng tips ang aktres para manatiling productive kahit nasa bahay lang.

Make a to-do list. Ilista mo 'yung mga gagawin mo bukas. Kasi kapag wala kang nilista, paggising mo sa umaga, nakatutunganga ka na lang.

“If you have an skill that you want to enhance or there's a project like a business na hindi mo masimulan, baka ito na 'yung chance na 'yon. Pag-aralan mo and then get into it,” aniya.

Panoorin ang buong 24 Oras report: