GMA Logo tiktok user ms everything sa kmjs
What's Hot

PANOORIN: TikTok star na si Ms. Everything sa KMJS

By Bianca Geli
Published April 20, 2020 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

tiktok user ms everything sa kmjs


Sumikat ang TikTok user na si Ms. Everything dahil sa nakaaaliw niyang videos na may hatid na good vibes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ngayong na-extend ang enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 lalong dumami ang mga nilamon na ng video-sharing app na TikTok.

Isang TikTok user ang umangat sa lahat dahil sa kaniyang patawang videos--si Ms.Everything o Ericka Maribojoc Camata.

Mano-mano ang mga videos ni Ms. Everything na updated din sa latest na mga balita at kalaunan ay naging viral sa internet.

Sino si Ericka Camata, a.k.a. Ms. Everything?

Nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ni Ms. Everything ang kaniyang reaksyon sa pag-viral ng kaniyang TikTok videos.

Ang pang-beauty contest na sagot ni Ms. Everything, "I'm very overwhelmed po with that kind of a situation."

Kuwento niya, naubusan siya ng mobile data kaya't naisipan niya na lamang daw na mano-mano na lang gawin ang kaniyang mga videos.

Kahit na sablay-sablay ang kaniyang Ingles, English teacher pala ang lola ni Ericka na si Flora Camata.

Kuwento ng kaniyang lola, "Kung marami namang natutuwa sa pag-English niyang ganyan, ay bakit hindi na lang ipagpatuloy?"

LOOK: Kapuso stars you need to follow on TikTok

Sa likod ng mga kuwelang videos ni Ms. Everything, ay marami rin pala itong hirap na nararanasan. Para sa kaniyang kinabuhayan, namumulot ito ng mga basura sa may dagat.

"Namumulot po ako ng plastic, bakal, at bote para po ibenta," inamin nito.

Nang kamustahin ang kasalukuyang estado ng buhay, ibinahagi ni Ms. Everything sa KMJS, "Mahirap, pero kakayanin po."

Panoorin ang inspiring story ni Ms. Everything sa KMJS: