What's Hot

KMJS: Paano nag-umpisang magpakilig sa TikTok si DJ Loonyo?

By Bianca Geli
Published April 20, 2020 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Something soft, something long, something shiny: 7 Christmas gift ideas for different categories
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

dj loonyo on kmjs


Kilalanin ang TikTok heartthrob na si DJ Loonyo sa KMJS.

Ang swagger look ng TikTok star na si DJ Loonyo, aprubado ng libu-libong netizens.

Na-fall ang maraming kababaihan sa patok na dance moves ng choreographer na si Rhemuel Lunio o DJ Loonyo.

Meet DJ Loonyo, the newest internet sensation

Si DJ Loonyo ang nagpauso ng TikTok Fight Song dance challenge o #FightSongChallenge, na sumasaludo sa katapangan ng ating mga COVID-19 frontliners.

Kasalukuyang nasa China si DJ Loonyo nang magpaunlak ng panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kuwento ni DJ Loonyo, "Parati po kasi akong nagdarasal na kung saan ba ako ilalagay ni God na platform para makapag-inspire ng tao.

"When I see my page has a lot of followers already, [I thought] why not use it to make a dance challenge that could boost the morale and spirit of our frontliners.

"Ang sarap sigurong tingnan na makikita ng frontliners natin 'yung klaseng video. They will feel like they really matter."

DJ Loonyo, handa bang iwan ang dancing career para sa showbiz?

Lider noon ng dance group na Rockwell si DJ Loonyo, pero nitong Nobyembre lamang ay iniwan niya ang Pilipinas para mag-OFW sa Hangzhou, China, kung saan siya ay CEO ng isang dance studio.

Madali mang naka-adjust sa bagong buhay niya sa China, isang pagsubok ang hinarap ni DJ Loonyo ng tamaan ng COVID-19 ang Wuhan, China, na walong kilometro lamang ang layo mula sa kaniyang tinitirhan.

"Nag-quarantine po ang team namin for one month and two weeks na total lockdown. Parang ghost town po talaga..."

Gayunpaman, patuloy pa rin sa pagbibigay inspirasyon sa pamamagitan ng viral dance challenges si DJ Loonyo.

Panoorin ang istorya ng pag-angat at mga pagsubok ni DJ Loonyo sa KMJS: