
“Ako mismo mag-aabot sa kanya.”
'Yan ang sagot ni Ethel Booba sa isang netizen matapos siyang pagsabihan na ibigay ang natanggap niyang suweldo mula sa libro niyang “Charotism.”
Maalala noong 2016, na-feature pa ang comedienne sa Kapuso Mo, Jessica Soho dahil sa trending tweets nito na naging libro pa na #Charotism -- hango sa gay lingo na “charot” na naging catchphrase ng account.
Kaya ang sagot ni Ethel sa netizen, “Pakilala mo sa akin dali. Hindi ako maramot baka kilala mo. Ako mismo ang mag-aabot sa kanya.”
Pakilala mo sakin dali di ako madamot baka kilala mo ako mismo mag aabot sa kanya. https://t.co/D7Ut0fokD3
-- Ethel Booba (@EthelBooba6) April 20, 2020
Nagpaabot din ng mensahe si Ethel sa mga taong nagsasabing ginamit niya ang parody account para sa sarili niyang pakinabang.
Aniya, “Tao lang ako at nagkakamali. Inaayos ko lang ang pagkakamaling ginawa ko.
“Kung may na-disappoint, sorry sa kanila. Pero at least nagsasabi ako ng totoo. 'Di ko kailangan ng kasakitan kung pagkatao ko naman ang niyuyurakan.
“O 'di ba? I'm free. Happy na 'teh.”
Teh Tao lang ako nagkakamali. Inaayos ko lang ang pagkakamaling ginawa ko kung may nadis appiont. Sorry sa kanila. Pero atleast nagsasabi ako ng totoo. Di ko kailangan ng kasikatan kung pagkatao ko naman ang niyuyurakan. O di ba im free. Happy na teh https://t.co/EDoFU3jATR
-- Ethel Booba (@EthelBooba6) April 21, 2020
Noong April 18, muling nagbabalik ang dating “@IamEthylGabison” account na ngayon ay “@IamCharotism.”
Sa bio nito mababasa ang statement na, “Started as parody account until Ethel claimed it as hers on National TV.”
Screenshot of new "@IamEthylGabison" account. Source: @IamCharotism (Twitter)
What prompted Ethel Booba to disown "IamEthylGabison" Twitter account?
Ethel Booba confesses she was advised to report Twitter as "hacked"