
Abangan ang pagbabalik ng Korean stars na sina Park Hyung-sik, Ji Soo, at Park Bo-young sa high-rating Korean drama na Strong Girl Bong Soon.
Mapapanood na muli ang hindi mapantayang lakas ni Bong Soon (Park Bo-young) at ang mga lalaki sa buhay niya: ang best friend niyang si Kenny (Ji Soo) at ang self-made CEO na si Mikael (Park Hyung-sik). Makakasama niyo na sila muli simula May 4 sa GMA Afternoon Prime.
Patuloy ring subaybayan ang mga kinagiliwan ninyong Kapuso teleserye na Ika-6 na Utos at ang nakakaantig na istorya ng Onanay tuwing ng hapon.
Mapapanood ang lahat ng 'yan sa GMA Afternoon Prime!
IN PHOTOS: Meet the cast of 'Strong Girl Bong Soon'