GMA Logo Marian Rivera as Elsa in Walang Himala
What's Hot

Marian Rivera, hinangaan sa pagganap sa 'Gabi ng Himala'

By Cherry Sun
Published April 22, 2020 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera as Elsa in Walang Himala


Si Dingdong Dantes mismo ang nagsilbing direktor ni Marian Rivera para sa kanyang monologue bilang si Elsa sa 'Walang Himala.'

Umani ng papuri si Marian Rivera sa kanyang pagganap bilang si Elsa mula sa Walang Himala bilang partisipasyon niya at ng kanyang asawang si Dingdong Dantes para sa 'Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento' fundraising event.

Nitong Martes, April 21, kabilang sina Marian at Dingdong sa ilang mga artistang naging bahagi ng fundraising event para sa mga “no-work, no-pay” film workers na apektado ng enhanced community quarantine bilang tugon sa COVID-19.

Isang monologue ni Elsa mula sa pelikuang Walang Himala ang binigyan ng interpretasyon ng First Yaya star habang ang kanyang mister ang nagsilbi niyang direktor.

Hindi pa man nagsisimula ang performance ni Marian, tiyak ang batikang manunulat at isa sa organizers ng 'Gabi ng Himala' na si Ricky Lee sa talento na ipapakita ng Kapuso star.

Sambit ni Ricky, “This is just one reason why I feel so humbled and excited at the same time for tonight's Gabi ng Himala fundraising event--Dingdong Dantes directing Marian Rivera doing her take on Elsa's Walang Himala monologue.”

Kinumpirma naman ng ilang netizens ang kahusayan ni Marian na umani ng kabi-kabilang papuri.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaaring bisitahin ang Lockdown Cinema Club Facebook page para sa mga detalye.