Article Inside Page
Showbiz News
Isa sa mga bagong kontrabida ng 'Darna', ano nga ba ang magiging papel ni Sexbomb Rochelle sa buhay ng ating bida?
Pinabilib tayo ng ating paboritong Sexbomb girl na si Rochelle Pangilinan sa kanyang dance moves at pati na din sa kanyang pag-arte sa 'Daisy Siete'. At ngayon, patuloy niya tayong pamamanghain sa pamamagitan ng kanyang kontrabidang karakter sa 'Darna'. Text by Erick Mataverde. Photos courtesy of GMA Network.

"Actually naninibago ako sa role! Sa character kong doctor hindi – 'yung sa manananggal. First time! Sabi nga sa akin ni Direk (Dominic Zapata), 'Basta pinaniwala mo 'yung sarili mo, marami ring maniniwala sa iyo.' 'Yun 'yung nasa isip ko ngayon," ang kuwento ni Rochelle Pangilinan kamakailan sa iGMA.
Dagdag pa ni Rochelle na hindi lang naman simpleng mananananggal ang papel niya dito sa
Darna.
"Hindi lang siya basta kontrabida, may puso 'yung kontrabida. Ganun siya, so kaabang-abang talaga. Kahit ako nae-excite ako kakabasa ng script," paliwanag niya. Ngayon binabasa ko talaga lahat – natatapos ko siya, kasi ang ganda ng istorya."
At medyo may kaba pa rin si Rochelle dahil ito ang pinaka-unang pagkakataon niyang magkaroon ng malaking role sa prime time, and, siyempre, masaya siya sa panibagong hamon na ito.
"Nanganganay pa rin, ayaw kong maging relax lang na ito lang. Nakaeksena ko na si Marian (Rivera), si Ding (Robert Villar), [ako], bilang doctor. Actually, buong staff ng
Darna, masaya eh. Sa totoo lang hindi ka mapapagod, aantukin ka sa busog. Kasi cool sila - kahit madaling araw na nagpapalakpakan pa [sa bawat eksena]. Dagdag pa niya na, "Sobrang masaya silang ka-trabaho, walang pressure. 'Yun 'yung pinaka nakakatakot para sa akin, pag nape-pressure ako, lalo akong nagkakamali. Hindi ko nararamdaman 'yun kasi hindi nila pinararamdam sa akin."
Kaya nga sa panibagong role ni Rochelle na ito, sinisigurado din niyang gagampanan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
"Noong una, inamin ko sa kanila na natatakot ako, hindi sa manananggal na itsura, natatakot ako sa kahihitnatnan, kalalabasan – kung kaya ko ba o hindi. Sinabi nila sa akin kaya ko naman," ang pagamin niya. "Pero siyempre 'yun nga ayaw ko pa rin mag relax. Gusto ko may bago pa din. Ayaw kong nauubusan ng bago."

At dahil dito inamin ni Rochelle na very excited na siyang lumabas sa Darna.
"First time ko pa lang mapunta at ma-feature sa prime time! Sa dinami-dami ng babaeng artista dyan na pwede magsuot ng contact lenses at pangil, ako pa!" ang tuwang-tuwang sagot niya. "Wow, parang ang sarap ng pakiramdam, ako pa 'yung nilagay nila dito."
Hindi din lang naman siya looking forward sa pagganap niya as manananggal, pati na din ang makatrabaho niya ang ibang cast ng
Darna tulad ni Akihiro Sato.
"Actually meron yata kaming fight scene. Hindi ko pa alam kung kelan kukunan. Exciting talaga siya," kuwento pa ni Rochelle. Pero natatakot ako hindi sa kanya, sa kuko ko! Kasi mahaba masyado ang kukko ko sa sobrang dikit niya baka sumama pa ang totoong kuko ko."
Nagbigay din siya ng kaunting hints kung ano ang dapat nating i-expect sa mga darating pang episodes ng
Darna kung saan mapapanood na natin siya simula ngayong gabi.
"Hindi talaga siya (ang character niya) masamang-masama na katulad ng ine-expect ko. 'Yun 'yung dapat abangan. At kung ano talaga ang istorya ko," nilinaw ni Rochelle. "Kasi talagang magugulat ang lahat ng tao. Hindi lang kukunin ang puso ninyo. Actually, pati ang pag-iyak ninyo, pati ang luha ninyo kukunin ko."
"Please watch
Darna, Monday to Fridays. Mapapanood nyo po ang mga bagong kontrabida ng inyong idolo na si
Darna, walang iba kundi si Marian Rivera," ang imbita ni Rochelle sa mga manonood. "Apat kaming nadagdag na kokontra sa kanya, pero abangan ninyo kasi napakaganda ng twist ng
Darna. Ganda [pa] ng istorya!"
Kamustahin si Rochelle via Fanatxt! Text ROCHELLE ON [Your Message] or GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS ROCHELLE ON and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Pag-usapan si Rochelle sa
iGMA Forum! Not yet a member? Register
here!